Almost two weeks kaming namalagi sa ospital bago naging dengue free ang anak ko. Every now and then ay pinupuntahan siya ng doktor sa room to check. Mabuti na lang at kahit paano ay kasama namin si ate Dane, minsan si Celestine para alalayan ako. Mas marami silang experience sa akin sa pagiging ina, kaya thankful pa rin ako sa presence nila. Sinamahan nila hanggang sa makalabas si Ixora at hinatid rin kami sa bahay.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko at litong-lito na ako sa mga nangyayari. Mas lalo akong nasisiraan ng ulo.
Ngayon ay nandito ako sa loob ng kwarto kasama ang anak ko. Simula ng magkasakit siya ay mas humigpit ang pagbabantay ko sa kanya. Ayaw ko na nga halos na mawala siya sa tabi niya. Kahit kumain at magbanyo ay halos hindi ko na ginagawa huwag lang akong mawala sa tabi niya.
Sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Kapag naiisip ko kung paano siya naghirap sa ospital ay parang sinasaksak ang puso ko. Sinisisi ko nang paulit-ulit ang sarili ko dahil hindi ko siya nagawang protektahan. I failed to protect.
"Ma'am Daze."
Napatingin ako sa pintuan nang pumasok ang isang katulong. Though madalas sila dito para alalayan ako ay minsan naiirita pa rin ako sa presensya nila.
"Yes?"
"Pinapatawag po kayo ni sir Enrique."
Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto niya pala akong makausap bakit hindi siya ang pumunta rito? Bakit ako pa ang pupunta sa kanya? Alangan naman iwanan ko ang anak ko rito. "Ako na po muna bahala kay baby, ma'am."
"Hindi ako aalis rito."
"Pero, maam..."
"Sabihin mo sa amo mo na siya ang pumunta rito dahil siya ang may kailangan."
Hindi na siya nakipagtalo at umalis na lang, pero maya-maya lang ay ibang katulong na ang bumalik. "Ma'am sabi po ni sir Enrique puntahan niyo raw siya sa opisina niya."
"Bakit ba, hindi siya ang pumunta rito?"
"Sorry po, ma'am."
Hangga't maari ay ayokong umalis at iwan sa kanya ang anak ko. But I have no choice, kundi ang puntahan ang lalaking 'yon bago pa na siya ang pumunta rito, dahil baka pag hindi ako pumunta roon ay baka gulo na ang mangyayari. Ayoko ng makipagtalo. Ang dami ko ng iniisip at ayoko ng dagdagan. I want peace, kahit sa amin dalawa lang.
"Stay here with my daughter. Check her now and then."
"Yes, po, ma'am."
"Huwag mong aalisin ang paningin mo sa anak ko."
"Opo."
Pumunta agad ako sa opisina ni Enrique. I knocked three times and opened the door. Nakatayo siya sa harap ng lamesa at nakatukod ang dalawang kamay habang nakatingin sa isang brown envelope.
"Tawag mo raw ako?"
"Come inside."
"Bakit anong meron?" tanong ko nang hindi siya gumagalaw.
"Sit."
"Just tell me what you want."
I heard him take a deep breath and walk towards me. He handed me the envelope, na agad kong kinuha. "Ano to?" tanong ko nang mahawakan ko ang envelope.
"Open it, and see it for yourself."
Napakunot ang noo ko habang binubuksan ang envelope. Iniisip ko agad na baka annulment ito. Well, I don't have a choice but to sign it. Hindi na ako magdadalawang-isip na pumirma if ever there is an annulment. Way better, kaysa ganito ang makalakihan ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...