TWENTY-ONE

938 24 3
                                    

"Hi, Kuya!" Ervic greets his brother nang makapasok kami sa loob ng mansion nila.

Nakaupo si Enrique sa sala habang nakabukas ang malaking TV na walang ibang nandoon kundi puro mga kabayo. Parang mga documentary about horses ang pinapanood niya. Juskwa! Hindi pa ba siya nagsasawa sa mga kabayong kasama niya?

Enrique simply nodded at him, and we sat down on the couch.

"Kumusta lakad niyo?" he asked without removing his gaze from the TV.

Kakagaling lang namin sa gagawa ng gown para magpasukat at nagpasya kaming pumunta rito.

"OK lang, kuya. Nagpasukat na si Daze ng damit niya. Almost done everything except the invitation. Ang sabi kasi ni Dylan ay siya na ang bahala sa ibang preparation dahil may kinuha siyang organizer. Daze, already chose the design, kaya wala ng problema. Ibibigay na lang niya sa amin ang sample two weeks before the wedding. Sana maayos ang kalalabasan ng lahat kahit gahol sa oras."

"Good."

Ang tipid naman sumagot nito, sa haba ng sinabi ni bakla 'good' lang ang sinagot niya. Kalurkey.

Hinawakan ko ang tiyan ko para kausapin ang anak ko. 'Huwag kang gagaya sa daddy mong maarte kundi itatali kita ng patiwarik.'

"Nagpasukat ka na rin ba, kuya?" Ervic asked.

"I did."

"OK." Tumingin sa akin si bakla. "You need something, Daze?"

"Can you massage my feet? Sumakit kasi ang paa ko kanina kakatayo noong sinukatan ako," pag-iinarte ko. Wala lang feel ko lang mag-inarte para mang-inis. Gusto ko lang pagtripan ang isa riyan kahit wala siyang pakialam sa akin.

"Saglit lang naman 'yon, ah."

"Mabilis kasi sumakit ang paa ng mga buntis." Not sure kung tama ang sagot ko.

"Paanong hindi sasakit ang paa mo, naka-heels ka," Enrique said, pero hindi pa rin nakatingin sa amin.

"Oo nga, Daze. Dapat hindi ka nagsusuot ng mahabang takong. Mamaya matalisod ka pa niyan," Ervic seconded.

"I can handle it; kahit nga sumayaw ako ng naka-heels ay keri ko pa."

"Hard-headed," dinig kong sabi ni Enrique.

"Tss!" My only answer saka tumingin kay Ervic. "Sige na, babe, massage mo na ako."

I heard him scoff saka tumayo. He kneeled in front of me at saka kinuha ang paa ko. Ang isa niyang tuhod nakaluhod habang ang isa ay naka-bend at doon pinatong ang paa ko.

"Saan masakit?" he asked.

"Sa binti."

He slightly massages my feet.

"Ang sarap, ang sarap mo talagang humaplos, babe." He glared at me, pero natawa lang ako. "Can you press it more?" I requested.

"Not advisable," epal ni Enrique. "You can't apply more pressure on pregnant women. It can lead to miscarriage," he added.

"OA mo naman. Ikaw nga pini-pressure ako, eh."

He looked at me na tinaasan ko lang ng kilay tapos tumingin na siya kay Ervic. "She's in her first trimester. Maselan ang first trimester, baka masaktan mo ng hindi sinasadya at mapa-impit siya. Better been safe than sorry."

"Paano mo naman nalaman iyan? Wala ka namang anak, at hindi na magkakaanak?" tanong ko.

"Sa kabayo namin."

"Dimwit! Mukha ba akong kabayo?"

Tarantado na 'to, ginawa pa akong kabayo. Eh siya nga itong kinabayuan ko.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon