THIRTY-THREE

1K 35 9
                                    

"I will take Ixora with me."

"Saan mo siya dadalhin?"

Mabilis akong tumayo at lumapit sa crib when Enrique entered and went to my daughter's crib.

"I will take care of her so that you can sleep."

"Nah, I can't take care of her."

Masama siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Look at yourself; wala pang isang buwan si Ixora grabe na ang pamamayat mo. We have a nanny for her and maids, pero daig mo ang mga nanay sa kanto na nagpapalimos sa hitsura."

Napatingin ako sa human-size mirror na nasa gilid. Sinasabi ba niyang pumanget ako? Losyang ako kagaya ng iba? Bakit, kasalanan ko ba na mas gusto kong asikasuhin ang anak ko kaysa sa sarili ko? Kasalanan ko ba kung mas gusto kong ibigay sa anak ko ang buo kong atensyon? Na mas mahalaga sa akin ang safety niya, ang health niya, ang kaayusan niya kaysa sa sarili ko?

"Kumakain ka pa ba? Parang hindi ka na rin nga yata natutulog. Mas maitim pa 'yang mata mo kaysa mga katulong natin dito. Mas mukha pa silang amo kaysa sa‎'yo."

He took Ixora from the crib. Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto ko siyang pigilan pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"We'll be outside. Papaarawan ko lang siya."

"P-pe—"

"Sleep for fuck's sake."

Gusto ko sana siyang pigilan at kunin ang anak ko sa kanya, but I remain quiet. Paano ako makakatulog kung ang isip ko ay nasa anak ko? Paano ako mare-relax kung every now and then ay safety niya ang gusto kong ma-secure? Paano ako makakapagpahinga kung nasa kanya ang anak ko at wala sa tabi ko?

Umupo ako sa kama at pasimpleng tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang layo na pala talaga ng hitsura ko sa dati at ngayon ko lang napansin. Lumalim at umitim ang mata ko, pumayat ako, hindi lang ang mukha kundi pati na rin ang katawan at hindi na naasikaso ang sarili. Hindi na ako halos nakakaligo—no, hindi na talaga ako naliligo dahil takot akong iwanan ang anak ko. Ni pag-ipit ng buhok ko ay madalian pa.

But I don't care; basta para sa anak ko ay hindi na baleng mapabayaan ko ang sarili ko. Hindi na baleng magmukha akong pulubi o taong grasa.

I don't know what's happening to me. Simula ng manganak ako ay natatakot na akong matulog o gumawa ng kahit ano. Gusto ko na lang laging nakatanghod sa kanya, o kaya ay lagi siyang karga at ayaw kong iwanan sa crib at baka mamaya may mangyari sa kanya. Ayoko rin siyang itabi sa akin dahil natatakot akong madaganan ko siya. Every now and then, I am so damn worried about her.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang dami kong kinakatakutan pagdating sa kanya. Hindi rin ako makakain ng maayos, dahil lagi akong nagmamadali. May maid nga dito at may nanny, pero wala akong tiwala. I prefer to be alone with my daughter at gusto ko kami lang talagang dalawa. Not because gusto ko siyang solohin pero pakiramdam ko mas safe siya kapag walang ibang nakakakita sa kanya.

Minsan lang din kami magkita ni Enrique dito. Tuwing gabi lang pagkatapos niya sa work. Pumupunta siya rito to check her daughter and spend a minute. Tapos magtatanong kung may kailangan ako, pero sasabihin kong wala.

Recently, may napapansin ako. Umiiyak na lang ako bigla kapag tinitingnan ko ang anak ko at hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako para sa future niya at baka kung anong mangyari sa kanya. Kung kaya ko ba siyang alagaan at palakihin ng maayos.

Minsan din ay nagagalit ako ng walang rason. Nagiging big deal sa akin ang lahat at hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko hindi ako mahalaga, and I feel irritated always. And honestly, may napapansin din akong kakaiba sa kilos ko. Though I am aware that I changed pero may nangyayaring hindi ko gusto ko.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon