"Ready?"
Kakalabas ko lang ng kwarto at nakaayos na nang salubungin ako ni Enrique. Iba na rin ang suot niya at ang guapo niya. Nag-alangan tuloy ako dahil ang layo ng hitsura ko sa kanya. I know I am beautiful; malamang I love myself, pero sa hitsura ko ngayon na ang layo na sa dati ay parang hindi na ako bagay sa kanya. Parang nakakahiya ng kasama siya.
"Dandelion..."
"Huh?"
"I asked you if you were ready."
Bitbit niya si Ixora na nakasandal sa dibdib niya habang natutulog. I wanted to hold my daughter, pero natatakot ako at baka may magawa akong hindi magansa sa kanya. Baka hindi ko na naman makontrol ang sarili ko, at... huwag naman sanang maulit ang nangyaring iyon.
After what happened ay hindi ko na magawang lumapit sa anak ko. Natatakot na ako. Ako mismo sa sarili ko ay pakiramdam ko, I am a danger to her. That she is not safe with me.
"Hey! Dandelion, are you OK?"
"Ah, yeah."
"Are you sure?" Pero imbes na sumagot ay ngumiti lang ako. Letting him know that I am OK. "You look sexy in that dress."
"Ano?" nakakunot noo kong tanong.
Isang simpleng white floral one strap dress na lagpas tuhod ang suot ko. Naka-simpleng tsinelas lang din ako.
"I said you're sexy in that dress."
"Inaasar mo ba ako?"
"No, I'm not. Sexy ka naman talaga. You're sexier than before."
"Tss. Hindi na ako sasama sa'yo."
"Oh, come on, take it as a compliment, sweetie. Pinuputi lang kita. Fine, let's go, at baka mapurnada pa ang lakad natin." Sinamaan ko siya ng tingin, but he gave me a smile. "Hey, huwag ka ng magalit. What I said was true."
"Oo na."
"Wait..."
Napatitig ako sa kanya nang kunin niya ang kamay ko.
"Why?"
"Where is your wedding ring?" tanong niya. Saka ko lang napansin na suot niya pala ang wedding ring namin, pero ang akin ay iniwan ko sa kwarto.
"I left in my room."
"And why? We will go outside, so you have to wear it."
"Huh?"
"Go back to your room, take it, and wear it. I will wait for you."
"Pero..."
"No buts. Kailangan mong suotin ang singsing mo para alam nilang may asawa ka." Pero hindi ako nakakilos agad. "Dandelion..."
"Fine. Oo na."
Bumalik ako sa loob ng kwarto at saka hinanap ang wedding ko. Akala ko ay tinapon na niya ang kanya, pero hindi ko akalain na makikita kong suot niya ito ulit. Paano niya kaya nakuha iyon? Hays! Ayoko na nga mag-isip.
Napatingin ako sa wedding ring ko. Kahit hindi kami magkasundo noon at laging nag-aaway ay hindi ko pa rin ito winala at lagi kong suot. Umaasa kasi ako na pagdating ng araw ay masusuot ko ito ng OK kami, at siya rin ay isuot niya ang kanya. And here it is, siya mismo nag-suggest na isuot ko at suot na rin niya ang kanya.
Hindi na ako nagtagal sa loob at lumabas na ako.
"Perfect on yours, just like mine," sabi niya.
"Oo na lang." Pero tumawa lang sa sagot ko.
"Let's go."
Kukunin ko sana ang bag na may laman na gamit ni Ixora nang pigilan ako ni Enrique. "I'll carry it."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
General FictionWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...