"Thanks, Kuya, sorry at na-istorbo ka."
"Not a big deal."
Sinundo kami ni Enrique sa mall dahil binili ako ni Ervic ng mga flat sandals. Na-flat ang sasakyan niya, kaya imbes na mag-taxi ay tinawgan niya ang kapatid niya para magpasundo.
Dito na kami dumiretso, dahil may usapan kami na ngayon na pipili ng cake at dinala na ng organizer sa mansion nila ang mga catalog. Ise-send na lang namin ang code at picture to confirm.
"Hindi ko napansin na flat pala ang gulong."
"Be careful next time. You should be observant, lalo na at may kasama kang buntis."
Wow, pwede naman sabihin na 'kasama mo si Dandelion.' Literal na may kasama kang buntis talaga?
Sa sala na kami tumambay na tatlo. Pati siya ay nandito rin. Magkatabi kami ni Ervic at katapat namin siya. Ilang linggo na lang at wedding na. Mabuti na lang at mayaman si kuya Dylan kaya kering ipa-rush ang lahat.
"So is this the design of the cake na pagpipilian?" tanong ko saka inabot ang isang catalog.
"Yeah, 'yan ang dumating kanina." Enrique answered.
Kinuha ko ito at saka tumingin, all here is quite good and beautiful. Wala akong itulak-kabigin dahil lahat magaganda. At dahil nahihirapan akong pumili ay dalawa kami ni Ervic na pumili. Mabuti na lang nagustuhan ko ang choice niya, kaya iyon na lang din ang pinili ko.
"Kuya, what do you think is my child?" biglang tanong ni Ervic, kaya pati ako napatingin sa kanya. "Babae o lalaki?"
"I don't think so; I am not good at guessing."
"Ako rin, pero ikaw, kuya, kung ikaw ang masusunod, anong gusto mong maging anak—namin ni Daze, na maging pamangkin mo." Saka tumingin sa akin si Ervic.
Gagong baklang 'to. Muntik pa kaming ilaglag na dalawa.
"Anything will do. Kahit ano, as long as malusog. But it will be better kung maging lalaki, para matuloy pa rin ang Locsin. But its fine too, kung maging babae, if ever. She's still my niece."
'Niece mo mukha mo! Panget mo kasing habulin pa-presyo ka.'
Akala yata niya forever ko na siyang hahabulin dahil guapo siya at malaki tit*. Malaki lang tit* niya, pero hindi diamond ang lumalabas niyang tamod. Duh! Kalurkey.
"Hmp, ikaw, Daze?" tanong ni Ervic sa akin.
"Babae. Mas gusto ko kasi 'yong iipitan ko, dadamitan, at magmukhang manika. We can make a boy naman kasi mukhang hindi na mag-aasawa ang kuya mo kaya tayo na lang gagawa ng maraming anak. I want to see a lot of mini-me, of course."
"Kawawang bata kung maging mini mo." Enrique whispered, pero hindi nakaligtas sa pandinig ko. Aba ang yabang niya sa part na iyon.
"Anong sabi mo?"
"Nothing. I did not say anything."
"Sabi mo kawawa ang anak ko kapag naging mini-me? Narinig ko 'yon."
"Ah! Sort of."
Asaran pala gusto mo ha!
"Mas kawawa ang anak ko kung maging kagaya mo. Magiging maarte at feeling pogi."
"I have rights to choose the woman I want. Beside, hindi siya magiging kagaya ko dahil hindi ko naman siya anak."
"Hindi talaga. Isa pa, bata pa lang ay didisiplahin ko na siya para hindi mag-mana sayo—sa tito niyang—paimportante." Pinandilatan ako ni Ervic dahil sa sinabi ko, pero ngumiti rin nang tumingin sa kanya si Enrique. "Hindi ikaw 'yon. Siya kasi 'yon, kunwari lang na siya ang tito," bulong ko.
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
Ficção GeralWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...