THIRTY-NINE

1.2K 50 30
                                    

What happened that night ay nakarating sa magulang ko. Kung hindi ba naman ako timang ay sa Cupid pa ako nagpunta. Malamang, nakilala ako ng mga tauhan ni kuya Dylan, at sinabing nagpunta ako roon at nagwala sa dancefloor habang lasing na lasing. Alam kong hindi si kuya ang nagsabi sa magulang namin dahil hindi niya ako ilalaglag.

I was too drunk. Overdrunk. Umuwi ako sakay ang taxi at naiwanan ang sasakyan ko sa Cupid. Nakatulog pa nga ako sa taxi pagkatapos kong ibigay sa driver ang ID ko at address ko. Nagising na lang akong nasa kama, sa kwarto namin ni Ixora, at iba na ang damit. Hindi ko na maalala kung ano ang nangyari at sino ang nagbihis sa akin.

As usual ay inaway na naman ako ng magaling at perpekto kong asawa nang magising ako. Nag-away kami at nagsigawan at kung anu-ano ang sinabi niya na hindi ko na inintindi ang iba dahil mas inintindi ko ang sakit ng ulo ko. Natigil na lang ang sigawan namin nang umiyak si Ixora at mabilis niyang kinuha at saka sila lumabas ng kwarto.

Hindi rin niya binalik sa akin ang anak ko, kaya pinuntahan ko sila sa kwarto niya. Naabutan ko silang natutulog pareho, pero kinuha ko pa rin ang anak ko sa tabi niya, kaya pati siya ay nagising. Akala ko nga aawayin niya ako, pero hindi naman niya ako pinansin.

And now, here I am at the mansion. Nakaupo sa harap ng pamilya ko kasama ang mga kapatid ko at mga magulang ko. Ang pinagtataka ko lang ay bakit nandito ang mga kapatid ko at bakit sila kasali sa problemang ito, eh problema ko lang naman 'to. Kung si kuya Dylan pa OK lang, pero ang iba... Wow ha! Mga bida-bida lang?

"What did you do, Dandelion?" Dad asked.

Hindi ako sumagot at nag-smirked lang saka nag-iwas ng tingin. Kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya ay hindi ko siya pinapansin. Tiningnan ko lang ang mga kuko ko na parang walang naririnig. Nagkunwaring nagtatanggal ng dumi kahit malinis naman.

"Kakalabas lang ng anak mo sa ospital nag-party ka na? Iniwan mo ang anak mo at naglasing ka pa?" he added. I bit my nail nang may mapansin akong nakausling balat sa gilid. "Answe me."

"I just want to have," sagot ko. "Masama bang magsaya paminsan-minsan?"

"Fun? Ang iwanan ang anak mo na kagagaling lang sa sakit? It's not fun. It's irresponsible action as a mother."

"So wala ng karapatan magsaya ang mga nanay kapag may anak na? Kailangan ikulong na lang ang sarili sa anak?"

"Hindi sa ganoon, anak," singit ni mommy. "Ang sinasabi lang ng daddy mo ay kagagaling lang ni Ixora sa sakit. Dapat nandoon ka sa kanya para bantayan siya."

"I have been stressed for these past few days, mom. I want to at least lessen my negative thoughts. Ang dami ko ng iniisip. Saka, kaya nga kami may nannies at maids para may makaalalay sa anak ko. Dapat ba akin na lang lahat 24/7? Masama bang mag-enjoy"

Ayoko ng mahabang paliwanag. Intindihin nila o hindi bahala sila sa buhay nila. Nakakapagod magpaliwanag kung may iniisip na sila against me.

"By not taking care of your daughter?" tanong ni dad. "Enjoyment ba ang tawag doon?"

"Inalagaan ko ang anak ko, dad. Isang gabi lang akong lumabas para magpagpag ng stress, ang big deal na agad?"

"Yes, dahil may responsibilidad ka na. Alalahanin mo na ikaw may gusto niyan. Ikaw ang gustong pumasok sa ganyang responsibilidad. At ano pa itong nalaman namin na si Enrique pala ang tunay na ama ng anak mo? At hindi talaga ang kapatid niya."

"My God, wala namang nagbago. Siya pa rin naman ang tatay."

"You're trying to play on us. Pati kami ginawa mong tanga at pinaniwala sa mga kasinungalingan mo. You make us fools and stupid. Ano, tinuhog mo ang magkapatid?"

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon