"E-Enrique?"
"Come on, let's go. Pinchy is waiting."
Inalalayan niya akong makasakay sa kabayo. Nawala ang kaninang nararamdaman kong kilig at napalitan ito ng excitement nang makasakay ako sa kabayo. Nakakadagdag kilig rin pala kapag hindi mo alam kung saan kayo pupunta at kung ano ang gagawin niyo.
Sumunod din siya habang nasa likuran ko umupo. "Ready?"
"Yeah."
"Yah!" sigaw niya at saka hinila ang tali. Nag-umpisa nang tumakbo ng mabilis ang kabayo habang si Enrique ay humihila paminsan-minsan.
Hindi ko alam kung sinasadya niya o sadyang nagkataon lang. Dumidikit kasi ang dibdib niya sa likod ko at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko. Pakiramdam ko tuloy ay nagtayuan lahat ng balahibo ko kasama na pati bulbol. Ay shave pala ako kaya waley ako noon.
Pero feel ko talaga palihim akong minamanyak ng gagong to, eh. Akala lang siguro niya, hindi ko napapansin, pero halatang-halata siya sa kamanyakan niya. Hindi tuloy ako makapag-concetrate sa gandan ng daanan. Hindi ko na nga alam kung nasaan na kami dahil mas nararamdaman ko ang pasimple niyang pagdikit sa akin. Hanggang sa napansin ko na lang na nasa gitna na kami ng gubat.
Unti-unti ay bumabagal ang takbo ng kabayo hanggang sa naglalakad na lang tayo.
"Enrique, nasaan tayo?"
Kinakabahan ako at baka ma wrong-turn kami bigla rito. Uso pa naman 'yon tapos huhulihin kami at iaalay. Huwag naman sana, nasa Bulacan pa naman siguro kami hindi lang halata, kaya malamang normal na tao pa rin masasalubong namin dito hindi mga canival at kulto.
"Relax, this is still our property." OUR yurn?
Wala akong ibang nakikita kundi mga malalaking kahoy. Hindi naman ito plantation dahil literal itong gubat. Pero kalaunan ay may nakita akong parang kubo. May nakatira kaya riyan?
"Ano 'yon?"
"Diyan tayo pupunta." Hinila niya ang tali ng kabayo at huminto ito sa gilid ng kubo. Nauna siyang bumaba at pagkatapos ay inalalayan akong bumaba.
"Enrique, nakakatakot naman dito."
Nakakatakot naman talaga. Tahimik, walang tao. Paano kung may ahas, leon, tigre, o kaya kahit anong mabangis na hayop dito? Eh, 'di nakain pa kami ng wala sa oras at namatay nang walang nakakaalam.
"Don't worry, I am here."
"Ano ba kasi itong lugar na ito?"
Magkabilaang bundok lang kasi ang nakikita ko maliban sa mga matataas na puno, kaya hindi ko alam kung anong meron dito.
"When we were young, my dad always brought us here. Come." He opened the door at saka tumambad sa akin ang mga naalikabukanng mga gamit. "This is too old, pero maayos ang lahat ng nandito. Gawa sa narra ang mga kahoy nito, kaya hindi basta-basta inaanay. Matagal na kasi namin itong hindi napupuntahan kaya inalikabok na," paliwanag niya at nauna nang pumasok habang hawak ang kamay ko.
Hindi naman maganda sa loob. Literal na bahay kubo lang pero mukhang matibay. Papag nga lang ang meron tapos may mga gamit pang-kusina sa gilid. Siguro kapag napagod sa kung anumang gagawin ay ginagawa na lang itong pahingahan.
"Ano ba kasing meron dito?"
"Dito kami pumupunta kapag nag-stargazing."
"Stargazing?" Gulat kong tanong. "Huwag mo sabihin may balak ka na abutin tayo ng gabi rito?"
"Active ka na mag-isip. Chill. Huwag kang exxag, at mag-relax ka lang." Pinagpagan niya ang papag at saka umupo. "Dito din namin nilalagay ang gamit namin kapag nagka-camping kami. Pero madalas kami dito nina Ervic at daddy kapag nangangaso."
BINABASA MO ANG
Dy Siblings 4: Dandelion's Obsession
Ficción GeneralWARNING: R18+ DY SIBLINGS SERIES 3 At a young age, Dandelion knows that she loves Enrique. Wala siyang pakialam kahit ano o sino ang masagasaan basta makuha niya lang ang lalaking mahal niya-ang lalaking may mahal ng iba. She will do everything to t...