PROLOGUE

23 2 0
                                    

Hi!! My Name is "Shaniqua nina Urivia" 17 years old, Grade Eleven senior high school, Fil-Am (Half filipino-Half Amputa) Charott! Pure Pilipina ako! May apat na kapatid Dalawang lalaki at dalawang Babae ako yung middle, may mahabang buhok hanggang bewang straight pa ha! Matangos ang ilong, rosy cheeks, maputi, may slender body at syempre maganda, minsan boyish hehe, my height is 175.26 Cm sakto lang para sayo dijok!

Ang papa ko naman may sariling Organization which is "Black Stone Nation" The Elite Fraternal Organization with the most skilled member when it comes to assassination, combat, using guns and knives, hinati ito sa dalawa dahil masyadong malaki ang Valkyrie kung saan ang kuya ko ang leader at ang isa naman ay ang The Vermin kung saan ako nabibilang, so yeah my father is a Mafia Boss.

"Nina sandali!" Sigaw saakin ng klasmeyt at kaibigan ko din na si aliah.

Nakilala ko siya sa dito sa St. Matthew Academy since high school at hanggang ngayon kaklase ko pa rin siya, kaya matagal na din kaming magkakilala, she's a good friend to me medyo impakta nga lang charot! miyembro din siya ng Org wag kayo!

Naglalakad ako ngayon palabas ng school namin dahil uwian na at ang tagal tagal niya kaya nauna na lang ako sakanya gutom na gutom pa ako dahil hindi ako nakapag lunch!

"Nina sabing hintay eh!" Tawag niya ulit kaya tumigil ako sa paglalakad, hinihingal naman ito ng makalapit saakin mukhang tumakbo pa ang gaga.

"bakit ba!?" Inis kong tanong, umirap naman ito.

"Anong bakit? Gaga akala ko ba sabay tayong uuwi!?" Sagot niya at inayos ang buhok.

"Ang tagal tagal mo kase! Gutom na ako!" Sabi ko at naglakad na ulit papuntang parking lot ng school namin.

Actually sobrang laki ng school na pinapasukan namin, puro mayayaman ang mga nag aaral mga elite daw ang peg! pero may mga mahihirap naman yung mga scholarship dito.

Nasa elite ako actually I'm not judging the poor na mga nag aaral dito dahil naniniwala akong pantay pantay lang ang mga tao mayaman man oh mahirap.

"Bakit kase hindi ka naglunch?" Tanong niya.

"Dahil nga may ginagawa akong report!" Inis kong sagot.

"eh bakit ngayon mo pa naisipan gumawa eh ang laki ng oras na binigay saatin ng professor."

"Anong gagawin ko kanina ko lang naisip dahil busy ako!" Sabi ko at tumigil sa paglalakad ng makarating kami sa may parking lot.

"San ka'ba busy?" Tanong niya.

"Ay tangina saan pa? Malamang sa hideout! Wala ka naman kaseng silbi doon!" Pabulong pero may diin kung sagot sakanya baka kase may makarinig!

Ito naman kaseng gaga walang ginagawa doon kundi makipag harutan sa kuya ko! ako na lang lagi ang nauutusan doon.

"Grabe ka naman sa walang silbi teh! tumutulong din kaya ako sa mga mission!" Pairap niyang sagot.

"Bahala ka uuwi na ako!" Sabi ko dito at tinalikuran na siya.

"Sandali lang! Sasabay nga ako sayu!" Sigaw niya.

"Wala ka bang kotse?" Tanong ko habang naglalakad sa may mga motor.

Nakamotor kase ako ngayon dahil hassle ang kotse traffic din kase kaya nagtatagal ako sa kalsada kaya ayaw kong mag kotse.

"Wala hinatid lang ako dito kanina." Sagot niya at sumunod saakin "Ay gaga don't tell me nag motor ka nanaman!" Dagdag pa niya.

"Edi don't." Simpleng sabi ko.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now