CHAPTER 5

5 1 0
                                    

Pagdating ko kung saan ang Resto Bar namin ay maraming naka park na mamahaling sasakyan sa labas at naka kalat na guwardiya na hindi ko kilala.

"Good Afternoon po ma'am." Bati ng isa sa mga trabahante dito pagpasok ko ng resto alas singko pa naman ng hapon.

"It's nina po not ma'am" Sagot ko pabalik.

Ayaw ko talaga na tinatawag akong ma'am! Ganda ganda ng pangalan ko tapos yan ang itatawag saakin? No way!

"Im sorry po."

Tumango lang ako at nilibot ang kabuuan ng Resto, maraming tao at pati dito sa loob may mga guwardiya din dito sa loob hindi naman bago saamin yun dahil maraming businessman na kumakain dito sa aming Resto, may VIP and VVIP rooms naman kami for them.

Pumasok ako sa mini office ko at nagpalit ng pang waiter para makatulong, tinali ko na lang ulit ang buhok kong hanggang beywang into a low ponytail pagkatapos ay lumabas na ako ng office at dumiretso sa kitchen na busy.

"Who is the VIP customer?" Tanong ko sa isa mga tagapagluto dito.

"it's Harvesta Ltd and Seed and Sun Inc." Pormal niyang sagot, tumango tango naman ako.

Ang Harvesta at SSI (seed and sun inc) ay kilala ding business dito sa lugar namin most of them are my papa's business partner lalo na yung harvesta dahil doon sa planta namin sa CDO.

"I think they're having a business proposal at dito sila nagmeet." Dagdag pa niya.

"They already ordered na ba?"

"Yes ma'am." Sagot niya, sumimangot naman ako dahil narinig ko nanaman ang ma'am na yan.


"Nina po." Sabi ko at umirap, tumawa lang siya.

Sa tagal nilang nagtatrabaho dito ay close ko na din sila at kilalang kilala na din nila ang ugali ko.

Umiling na lang ako at lumabas ng kitchen para makatulong sa ibang customer.

SKIP TIME

Para akong lantang gulay na nakamukmok dito sa table ko! Alas nuebe na ng matapos ang trabaho namin dito sa Resto! Ang daming customer! Sinabihan naman ako ng mga trabahante dito na sila na ang bahala pero hindi ako pumayag gusto kong tumulong dahil wala akong gagawin kaya ang resulta? ayun pagod na pagod si iteych!

Mukhang sa condo ako makakatulog ngayon dahil pagod akong mag motor! Magtataxi oh magpapahatid na lang ako sa tauhan ni papa na umaaligid jyan sa labas papuntatang condo ko dahil medyo inaantok na din ako wala baya akong tulog na maayos!

May biglang kumatok kaya umayos ako ng upo at tinignan ang lapastangan esti ang isa sa mga staff ng Resto si ate Jena.

"Yes?" Pagod kong sabi.

"Kumain ka na." Aya niya at pumasok.

Hindi naman kalayuan sa edad ko si ate jena sila kuya ang kaedad niya at siya ang pinaka close ko dito sa Resto dahil lagi kaming nagkakasundo para ko na rin siyang kapatid!

"Sabi ko naman sayo kami na ang bahala, matigas lang talaga ang ulo mo." Dagdag pa niya.

"Anong gusto mo? tumunganga ako? Atleast diba nakakatulong ako minsan dito." Sagot ko at pinaikot ikot ang swivel chair.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now