CHAPTER 43

2 0 0
                                    

TODAY is the last day of intramurals at kung maingay noong nakaraang araw ngayon mas dumoble ang ingay. Mas lalong lumala dahil pwede nang magpapasok ng ibang studyante from the other schools.

I'm wearing an white cut out crop top and cargo pants while my hair is in half pony using the hair clip i get from the game last. Hinayaan ko lang din ang mahaba kong bangs na nakalugay.

Dapat na tong putulan.

Suot suot ko din ang silver necklace ni sean na lagi niyang suot dati pero binigay niya yun saakin. He even gave me the one pair of his diamond earring.

"Para saan toh?" Tanong ko sakanya habang hawak ang tainga kung saan niya nilagay ang paris ng diamond earrings niya.

"Gusto ko kahit saan ka magpunta dala dala mo'ko." He said while kissing my cheeks.

"Corny mo naman!" Asar ko pero malakas lang siyang tumawa bago ipagpatuloy ang paghalik sa aking pisngi na hinahayaan ko lang.

Naglalakad kami ni aliah sa mga booths at hindi ko alam bakit maraming studyanteng tumitingin tingin saamin.

"Ganda ko daw." Sabi ko sa kaibigan ko na kinatawa niya ng malakas.

"Ang kapal..." Parinig niya.

"Kakapal yang mukha mo pag sinampal ko ng mag asawang sampal." Utas ko.

"Oo na, ganda mo." Labag sa loob niyang sabi. 

Natawa na lang ako habang tinitignan ang mga display sa booths.

Alas dyes palang ng umaga ay sobrang dami nang studyante sa iba't ibang school ang nakakalat.

Wala ba silang pasok?

"Yung kapatid mo." Turo ni aliah sa kapatid kong babae na kumakain ng turon sa gilid ng stall kasama si maureen.

Agad kaming lumapit sakanila.

"Good morning ate's!" Kumakaway na bati ni maureen saamin.

"Good morning." Sabay naming bati ni aliah.

"Masarap?" Tanong ko sa kapatid ko na busy sa pagkain ng saging na turon.

"Yup!" Tumango ako.

"Ate pabili nga po." Sabi ko sa tindera sabay turo sa turon.

Habang kumakain kami ng turon ay dumating ang barkada ni Darren.

Matagal silang tumingin saakin bago makahulugan tumingin kay Darren na seryoso lang ang tingin habang nakapamulsa.

Di'ko sila pinansin at tumabi para makadaan sila. Panay naman ang irap ng kapatid kong shaniqa dahil sa presensya niya at tinatawanan lang siya ni maureen.

"Para kang tanga." Bulong ko kay aliah dahil panay ang lipat ng tingin niya saamin ni Darren.

Umirap siya at sinubo ang hawak na turon.

Kuha lang ako ng kuha sa turon at hindi pinansin ang tingin nila Darren.

Ako na matakaw tsk. Favorite ko kasi ito.

"Madam!" Sulpot ni supot esti third.

"Ano?" Bored kong tanong.

Umiling siya at sinubukan akong yakapin pero lumayo ako kaya ayun muntik na siyang masubsob sa sahig.

Malakas siyang tinawanan ni aliah, Maureen at shaniqa.

"Haha ang saya niyo dyan!" Pairap niyang sabi.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now