PAGLABAS ko sa hideout ay naabutan ko si kuya grey na seryosong naghihintay sa tabi ng kotse niya.
Umirap ako sa hangin bago lumapit sakanya. Umayos siya ng tayo nang makalapit ako sakanya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.
"Kaya ko naman." Suplada kong sabi at hindi pa pumapasok sa kotse niya.
Napapitlag ako nang malakas niyang sinara ang pinto at walang pasabing umikot sa driver's seat at pumasok doon.
Shems! Ginawa niya yun! What the hell!
Binuksan ko ang pinto at padabog na pumasok sa passenger seat at malakas din na sinara ang pinto.
Hindi ko pa nasusuot ang seatbelt ko ay mabilis na niyang pinaandar ang kotse kaya nasubsob ang mukha ko sa likod ng upuan ng shotgun seat.
Napahawak ako sa ulo ko at inis siyang tinignan kahit na hindi niya makita. "Ano ba!? Dahan dahan naman!" Singhal ko but he just scoffed mas lalo akong nainis.
"What the fuck is your problem!?" I asked irritated.
"Stop cussing nina..." He said with controlled and strained voice.
"Oh you don't fucking care if i fucking cuss." Utas ko at nagulat ako nang bigla niyang tinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nauntog na nanaman ang ulo ko sa likod ng upuan ng shot gun seat.
Tangina talaga maalog ang brain ko dito.
Sisinghalan ko na sana siya ulit pero nagulat ako nang bigla siyang nagmura ng malakas with hampas manibela pa.
"FUCK!" Malakas niyang mura at hinampas pa ang manibela at padabog na lumabas ng kotse halos mayanig ang buong kotse sa lakas ng pagkakasara niya sa pinto ng kotse.
Naiwan naman akong tulala sa driver's seat kung nasaan siya kanina.
Okay so kasalanan ko bakit siya nagalit kasi naman!
Lumabas din ako sa kotse at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kotse mukhang pinapakalma ang sarili.
Medyo madilim na ang paligid dahil gabi na at nasa walang bahay pala kami at puro malalaking puno ang nasa paligid namin at ang ilaw lang ng kotse ang nagsisilbing ilaw sa paligid.
okay medyo creepy.
Kita ko ang makailang beses niyang pagsuklay sakanyang buhok gamit ang mga daliri.
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at naglakad palapit sakanya. Tumalikod siya nang makita ako.
"K-kuya.." Tawag ko sakanya.
"Why?" Tanong niya. "Why are you doing this to me?" At humarap siya.
Hindi ko maintindihan pero diretso akong napatingin sa mga mata niya. He looks so frustrated and hurt at the same time. what? hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko sakanya!
"I don't understand... Sa pagkakaalam ko wala naman po akong ginagawa sayo." Naguguluhan kong sabi. "Ikaw nga ata tong may kasalanan saakin." I gritted my teeth when i remember the scene at the bar where he lied to me na busy daw siya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa huling sinabi ko. Natawa na lang ako dahil sa inis.
"Ano? Maang maangan?" Sarkastikong sabi ko. "Sa tingin mo nakalimutan ko yung pagsisinungaling mo saakin? What? Busy ka'ba talaga sa oras na yun o busy makipag make out sa girls sa Bar?" Dagdag ko pa at matalim siyang tinignan.
Hindi ko alam bakit umiinit ang ulo ko sa tuwing naaalala ko ang scene sa bar ni Alex kung saan nakita kong may kahalikan siyang girl sa Bar counter.