CHAPTER 36

3 1 0
                                    

KINAUMAGAHAN ay nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan at nong tignan ko yun ay ang braso pala ng hudas esti ni sean pala.

Dahan dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap saakin sunod ay ang binti niyang nakadantay din sa binti ko.

Nang maalis ay mabilis akong bumangon bago nag inat at tinignan ang oras sa wall clock.

Alas singko pa pala. Dumiretso ako sa bathroom pagkatapos ay nagpalit ng hoodie at sweat short dahil plano kong mag jogging since maaga pa.

Tinali ko muna ang buhok ko sa bun bago sumalampak ng air pods sa tainga at dahan dahang lumabas ng kwarto pero bago yun ay kinuha ko muna ang wallet at phone ko.

Nagdikit muna ako ng sticky notes sa pinto ng ref saying that i jog muna para hindi nila ako hanapin pag gising nila.




MAG aalas sais na nang matapos ako sa pag j-jog at nagpahinga muna ako sa isa sa mga bench.

Habang inaayos ko ang shoe lace ng sapatos ko ay may biglang umupo sa tabi ko at naamoy ko kaagad ang pamilyar na pabango pero hindi ko na lang pinansin at tinuloy ang pagtali sa string ng shoes ko.

Pagkatapos ay umayos ako ng upo at ganon na lang ang gulat ko nang makilala kung sino ang lalaking umupo sa tabi ko.

Napaawang din ang labi ni kuya grey nang magsalubong ang mga mata namin pareho kaming gulat sa isa't isa.

Okay, ang gwapo ng lintek kahit basang basa ang buhok dahil ata sa pawis. Naka sleeveless siya at sweat pants. Mukhang katatapos lang din mag jogging.

Tumikhim ako at piniling umiwas ng tingin. I won't greet him a good morning. Sino siya? Masama makipag usap sa stranger. Bad yun.

Tahimik lang at walang nagsasalita ni isa saamin.

ANG LAKAS MAKA PUTANGINA TALAGA!

HINDI NAMAN KAMI GANITO DATI!

Instead of mayamot ako here in the bench, tumayo na lang ako at sinuot ang hood ng jacket ko bago naglakad paalis nang hindi siya nililingon.

Sa totoo lang nahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa kasi nga hindi ko alam bakit namin ginagawa ito eh dati naman maayos kaming dalawa kahit kunting convo lang namin ay ayos lang hindi ngayon na literal na walang kibuan na para kaming hindi magkakilala.

I had no idea why but i felt something on my chest but i brushed it off.

"Naze...?" I murmured while walking slowly.

(Trans: why...?)

Dati naman wala talaga akong pakialam kong magkibuan kami o hindi pero ngayon... Parang naapektuhan ako sa treatment niya saakin.

Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad at gusto ko siyang lingunin pero pinangungunahan ako ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.

Tangina.

I shook my head a little before i continue walking at this time mas binilisan ko na.






PAGDATING ko sa condo ay nasa pinto palang ako ay rinig na rinig ko na ang boses ni aliah na mukhang iiyak na ang bruha.

"Tangina.... Hang over!" Sigaw pa niya habang nakahiga sa living room.

Dito ko na siya pinatulog kagabi nang makauwi kami dahil hindi siya pwedeng umuwi sakanila na lasing dahil malilintikan siya kay tito which is her father.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now