DAYS have passed until our final exams done.
Panay rin ang tambay ng mga pinsan ko sa resto ko ganon din ang Valkyries at syempre ang nag iisa kong kaibigan.
"Anong ganap madlang people?" Usisa ko sa nagkukumpulan na mga pinsan ko sa isang malaking mesa pati ang mga kaibigan ni kuya.
"Pakilinis 'to waiter." Turo ni Red sa pinagkainan nila at malakas silang nagtawanan.
Siraulo.
"E kung ibasag ko yan lahat sa ulo niyo? Tignan ko kung makakatawa pa kayo." Pananakot ko sakanila.
"Ako na pala ang maglilinis." Sabi ni Red at inayos ang mga plato kaya tinawanan ko siya.
"Siraulo, sila na ang bahala dyan." Natatawa kong sabi.
Tumigil naman siya at tumawag ng maglilinis ng mesa.
Sinenyasan ako ni sean na lumapit sakanya na ginawa ko naman.
Agad niyang pinulupot ang braso niya sa bewang ko bago halikan sa pisngi.
Hinayaan ko na lang siya at nakinig sa usapan nila at since marami ang customer ng resto ay sakto lang ang lakas ng boses namin.
Nagpaluto ako ng fries sa mga crew bago tinuon ang pansin sakanila.
"Paano niyo nalaman ang hideout ng Trinitario?" Sabat ko.
They're talking about this Trinitario organization na isa rin sa malakas na organisasyon na kumakalaban sa org namin.
Tinuro nila ang pinsan kong parang si mark tahimik lang na si Ryder.
"He's a spy to that organization." Sambit ni Saint.
"Ah talaga?" Bored kong sabi at lahat sila napalingon saakin. "Bakit?" Tanong ko.
"Hindi mo alam?" Parang tangang tanong ni Ivan.
"Itatanong ko ba kung alam ko?" Napairap siya.
"So yun na nga." Pagpapatuloy ni Ivana. "Naka ingkwentro ni Liam ang isa sa myembro nila kahapon."
Napatingin naman ako sa pinsan kong si aliah na nakabusangot. Kaya pala tahimik.
"Thankyou." Sabi ko sa waiter nang ilapag ang fries at iced tea sa harap ko. "What happened?" I asked ivana.
Bago pa man siya makasagot ay naagaw ng atensyon namin ang papalapit na Liam at...
Malakas kaming nagtawanan nang makita ang itsura niya. Pati ibang customer ay naagaw namin ang atensyon dahil sa lakas ng tawanan namin.
Parang tanga amputa.
Naka sexy dress ang gago habang suot ang short hair na wig, naka high heels din siya at may make up din sa mukha.
"Sige, pagtawanan niyo ko." Inis niyang sabi.
"Bro, nag iba na'ba ang pananaw mo sa buhay?" Malakas na tumawa si Red na sinabayan namin.
"Mukha kang dancer sa club na nawawala." Tumawa ng malakas si Ivan.
"Putangina talaga si alex humanda siya saakin." Inis na inis niyang sabi.
Hindi pa man kami nakakarecover sa pagtawa nang biglang sumulpot si Alex na naka pang anime girl character outfit.
Mas naging malakas ang tawanan namin pati ang ibang customer ay tumawa na rin nang makita si alex na palapit saamin at mukhang nahihirapan pa siya sakanyang suot na high heels, kitang kita rin ang pusod niya dahil sa ikli ng blouse.