ILANG minuto pa ay natapos na ang sean at umupo sa tabi ko.
"Why are you still here?" I asked arching a brow.
"Magpapahinga." Simpleng sagot niya.
Oo nga naman nina. Naglinis kaya siya. bad nina.
"Okay...." Sabi ko na lang at binalik ang tingin sa pinapanood.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kamay ni Sean na dahan dahang gumagapang sa likod ko papunta sa tiyan ko.
"Hoyyy..." Sabi ko at nilingon siya para sabihing alisin niya ang kamay niyang nakayakap saakin.
"What?" Inosenti niyang tanong.
Mama mo what.
"Yung kamay mo." Sabi ko at aalisin na sana ang braso niya sa tiyan ko pero higpitan niya lalo ang yakap doon.
"I just want to hug you baby, what's wrong with that?" Sabi niya at tinaasan pa ako ng isang kilay.
Hindi naman sa ayaw kong yakapin niya kaso ano...... yung puso ko! naghuhurumentado ang sistema ko sa simpleng galaw lang niya!
Umiling na lang ako at nag focus sa pinapanood pero hindi ako makapag concentrate lalo na't nararamdaman kong unti unti niya akong nilalapit sakanyang katawan!
Ilang sandali pa ay naramdaman kong inaamoy na niya ang buhok ko.
"Ang bango mo." Bulong niya na nagbigay kilabot saakin.
"N-naligo kasi ako kanina." Sabi ko at gusto ko man siyang lingunin ay hindi ko magawa dahil alam kong sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Baby..." He called softly.
Tangina! Muntik na akong mapapitlag dahil sa pagtawag niya saakin, ramdam na ramdam ko din ang hininga niya sa tainga ko.
"A-ano?"
"Can i sleep here?" Tanong niya sa tainga ko kaya napalayo ako sakanya pero dahil yakap niya ang bewang ko... Ayun mabilis niya akong nahila pabalik.
"Nasa kabila lang yung condo mo sean." Sabi ko sakanya.
"I know but, i want to sleep beside you." Sabi niya na may halong pakiusap.
"Bakit?"
"Anong bakit? Of course i missed you so much love, ilang weeks na tayong hindi magkasama." Sagot niya at hinalikan ang pisngi ko.
Tama naman siya, ilang weeks na kaming hindi nagkita at isa pa nakatabi ko naman siya dati matulog at fiance ko naman na siya kaya okay lang naman na magtabi kaming matulog na dalawa.
"Please baby..." Pakiusap pa niya at paulit ulit na pinapatakan ng halik ang pisngi ko at mukhang yun ang paraan niya para makumbinse ako.
Iba din.
"Sige... dito ka'na matulog." Sabi ko at malakas naman siyang napa yes.
Natawa na lang ako at napailing.
Tinuloy ko na lang ang panonood ko ng Kdrama habang busy naman siya sa pagyakap, pang gigilan ang pisngi at pag amoy sa buhok ko, paminsan minsan naman ay mahina niyang kinakagat ang braso ko.
"Itigil mo nga yan." Saway ko sakanya nang kagatin na naman niya ang balikat ko pero mahina lang yun.
"What?" Natatawa niyang sabi at sinubukan na naman akong kagatin pero mahina kong tinampal ang mukha niya para matigil siya.