Habang nagdadrive ako papuntang hideout ay napapamura ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa braso ko malapit na ata tong mamanhid at itong baliw na Aliah ay walang ibang ginawa kundi ang mambuwisit.
"Ikaw na lang kaya ang magdrive tanginamo!" Inis kong sabi dito dahil hindi makapaghintay.
"Hala sorry na! Masakit lang kase!"
"Anong akala mo ikaw lang nasasaktan? Ako rin naman ah!." Sigaw ko dito dahil medyo sumasakit na rin ang ulo ko at parang nahihilo ako, babalik pa ata yung lagnat ko!
"Ay teh hugot yarn?" tangina neto.
"Manahimik ka kong ayaw mong itapon kita jyan." Banta ko kaya tumahimik ito at hinawakan ang sugat niya.
Napatingin ako sa selpon ko ng tumunog at si kuya ang tumatawag, sinagot ko agad ito.
"H-hello?" Bungad ko medyo hindi ako makahinga ng maayos! Fuckingina!
"Where you at?"
"On the w-way.." Sagot ko medyo nagtetremble pa ang lips ko dahil sa sakit. maiiyak ako here!
"Bilisan mo daw, nagsimula na ang meeting." Napairap na lang ako.
"Edi ikaw magdrive d-dit--aray!" Naputol ang sasabihin ko at napa aray ng hawakan ni aliah ang braso ko kaya kumirot, tinignan ko ng masama si aliah pero agad din itong nawala nang makitang parang nahihirapan na ito.
"What's wrong!?" Sigaw ni kuya sa kabilang linya, pumikit ako ng mariin.
"W-wala! Ito kasing si aliah, sige na malapit na kami." Sagot ko at pinatay na ang tawag tsaka pinarada ang kotse sa may gilid.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
"Mauubusan na ata ako ng dugo so technically im not okay." Sagot niya.
"Wait lang.." sabi ko at inalis ang jacket ko tsaka ito pinutulan.
"What the fuck are you doing?" Takang tanong niya ng makitang sinisira ang jacket ko.
"Baka gumagawa ng tali para sa leeg mo." Sarkastikong sagot ko.
"Tanginang toh nagtatanong lang." Pairap niyang sabi.
"Come here." Utos ko ng makaputol na ng tela sa jacket ko.
"Bakit? Itatali mo yan sa leeg ko?" Tanong niya.
"Ay bobo ka! Lalagyan ko ulit ng pantakip yang sugat mo. dali na!" Inis kong sabi kaya agad naman itong lumapit saakin kaya tinali ko sa sugat niya ang naputol kong tela para hindi ito magdurugo pa ng sobra.
"Ayan! Malapit na tayo, kaya mo yan." Sabi ko at umayos ng upo tsaka nagdrive ulit.
"How about you?" Tanong niya.
"Kaya pa naman." Sagot ko kahit sobrang sakit nito at tumutulo pa ang dugo dito.
"You look pale nina!" Sigaw ni Aliah.
Napa hatsing naman ako ng dalawang beses at hindi na siya pinansin at mas binilisan pa ang pagmamaneho.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami ng hideout.
Pinapasok agad kami ng guwardiya nang makita ang kotse naming may mga tadtad na bala.
Tumulong agad ang ibang tauhan ni papa nang makita si aliah kaya bumaba na din agad ako at ang mukha ni kuya grey na nagaalala ang tumambad saakin.