Pagpasok namin sa Resto Bar namin ay inikot ko ang paningin ko sa loob ng resto namin at dumako ang tingin ko sa walang hiyang hindi marunong magsorry na lalaki, nakaupo ito sa dulo at may mga ibang kasamang lalaki at babae nandoon din ang isa kung kuya at katabi pa niya ito.
don't tell me kaibigan niya ang walang hiyang yan!?
Mukhang napansin niya atang may nakatingin dito kaya napatingin siya sa gawi ko kaya nagtama ang mga mata namin, my heart skipped a beat because of his stare. tangina kumunot ang noo ko, umiwas naman ito ng tingin at nakipag usap na kila kuya.
"ay mukhang kaibigan ng kuya mo." Bulong ni Aliah sa tainga ko kaya napaatras ako ng kaunti at tinignan siya ng masama.
"Nina!!" Sigaw ni kuya kaya napatingin ako sakanya, nakatingin din pala saakin ang mga kaibigan niya kasama na doon ang lalaki!
"Come here!" Tawag niya at sinenyasan akong lumapit sakanya, napabuntong hininga na lang ako bago lumapit sakanya sumunod naman si Aliah.
"What?" Tanong ko pagkalapit hindi pinansin ang titig ng katabi niya.
"What happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong niya at pinasadahan ang suot kong uniform.
"May walang hiya kaseng dumaan kanina na kotse at natalsikan ako hindi man lang nag sorry!" May inis kung sagot at tinignan ang katabi niya, nakataas ang isang kilay niya saakin kaya tinaasan ko din ito ng isang kilay bago irapan.
kapal ng feys sarap ingudngod sa mesa!
"what? bakit hindi mo inupakan?" Natatawang sabat ng isang kaibigan niyang si kuya drake.
Medyo close ko din naman siya ganon din ang ibang kaibigan ni kuya myembro din kase sila ng Org at alam nila ang ugali ko na mahilig minsan makipag away.
pag nasa katuwiran lang naman ipaglaban mo joke!
"Kung pwede nga lang eh.." Sagot ko habang masama ang tingin sa lalaking salarin, umiwas naman ito ng tingin, tumawa naman si kuya drake ng mahina bago umiling, inirapan ko pa ulit ang lalaki bago tumingin kay kuya.
"Magpalit ka na lang may extra shirt ka pa naman ata jyan sa mini office mo ang dugyot mo tignan." Natatawa niyang sabi habang ginugulo ang buhok ko, napasimangot na lang ako.
"Gutom yan kuya, hindi yan nakapaglunch." Si Aliah at ngumisi.
"Lagot ka isusumbong kita kay papa." Pananakot ni kuya as if naman matatakot ako! nabusy lang naman ako sa pag gawa ng report kaya hindi ako nakapaglunch.
"edi isumbong mo, may reason naman ako gumawa ako ng report ko kaya hindi ako nakapaglunch." Sagot ko dito at inayos ang buhok ko.
"Kumain ka na doon magpaluto ka sa mga chef mo." Utos niya, tumango na lang ako at tinalikuran na siya sumunod naman agad saakin si Aliah.
Sa totoo lang kaya nagagalit si papa tuwing hindi ako kumakain dahil baka magka ulcer or dysmenorrhea nanaman daw ako at ang payat payat ko daw like duh hindi naman ako masyadong payat! Normal lang naman yung size ko noh!
Dumiretso muna ako ng kitchen at nagpaluto ng makakain ko ganon din si Aliah bago ako pumasom sa may mini office ko dito sa resto at nagpalit ng T-shirt tsaka ito tinuck in sa skirt ko.
Ang Resto Bar na ito ay may dalawang palapag sa taas ay ang Coffee House at dito naman sa baba ay Resto si papa ang nagpagawa dito para daw saakin toh para mas matuto akong magluto.