Pagtapos kong madefused ang isang bomba ay nakisali muna ako sa mga pinsan kong lumalamon bago naisipang umuwi dahil kay Sean na hinintay talaga ako kahit may daplis .
"Are you okay?" Tanong ko kay Sean habang nagdadrive pauwi sa bahay ng lolo kong hindi makuntento. echoz!
Sa mansyon nila kami uuwi ngayon dahil yun ang sabi ni papa kanina at mas malapit yun dito kung nasaan ang hotel nila tito.
Nakasunod lang kami sa mga pinsan ko at ang ibang tauhan ni papa na naiwan kanina at sila kuya Drake.
Ako ang pinagdrive ng walang hiya sa kanyang kotse at pumayag naman ako dahil kawawa siya kahit may bodyguard siyang si kile!
"Okay na ako dahil nandyan ka." Sagot niya at hinawakan ang kamay kong nasa gear.
"Anong dahil nandito ako? gago! Nawawalan ka na nga ng dugo nagagawa mo pang maging corny." Sabi ko at hinawi ang kamay kong hawak niya dahil ililiko ko ang kotse.
"Ginamot mo nga ako eh." Sagot niya. tanginang toh.
"Tinakpan lang Sean hindi ginamot." Pagtatama ko.
"Pareho lang yun." Pakikipagtalo niya.
"Ewan ko sayu."
"You're really worried huh? sa sobrang pag aalala you even ripped your beautiful dress like you just to cover my wound." Sabi niya ramdam ko ang ngisi niya.
Bigla nalang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Ganon naman ginagawa ko eh! At isa pa inis ako sa damit ko!
"Hoy! naiinis kase ako sa dress ko kaya yun na lang ang sinira ko!" Sabi ko at sinilip siya.
"Hmm, really?" Nakangiti ito at kitang kita ang nakalubog niyang dimple na mas lalong nagpagwapo sakanya kahit na namumutla ito.
"Oo nga." Sagot ko at binalik agad sa daan ang tingin.
"Okay." Sabi niya at dahan dahang pinagapang ang mga daliri niya sa daliri ko.
Para akong nakuryente dahil doon at napaawang ang labi ko.
Lumunok ako at hinayaan na lang siya doon bago bilisan ang pagmamaneho dahil naiiwan na kami ng mga pinsan ko.
FAST FORWARD
Pagdating namin sa mansion nila lolo ay pumasok agad kami sa loob ng bahay.
Marami ring nakapaligid na tauhan sa buong bahay.
Nagamot na daw ang mga sugatan at nagpapahinga na sila kaya sila kuya at ang ibang kaibigan niya lang ang natira sa malaking sala at sila papa ganon din ang mga tito ko at ang mga pinsan kong nauna na, nandoon din ang lolo ko na nakaupo sa isang sofa na may dalang tungkod, nag uusap usap ata sila.
Ang lolo ko ay buhay pa alangan namang patay pero ngayon lang ako nagpakita sakanya dahil ngayon ko lang din siya nakita minsan lang din siya dito sa makati dahil sa CDO siya palagi dahil nandoon din ang lola ko na asawa niya.
"Good evening madlang people!" Masayang bati ko kaya napatingin silang lahat saakin.
"Si Sean may sugat!" Sabi ko pa at tinignan si Sean na likod na putlang putla na. kasalanan niya yan.
Agad naman siyang pinuntahan nila kuya at ibang kaibigan niya bago ito dinala sa isang room sa kabilang hallway ng bahay.
Dumiretso ako kay lolo at nagmano sakanya at hinalikan siya pisngi pagkatapos ay umupo ako sa bakanteng sofa malapit sakanya bago alisin ang heels ko dahil sobrang sakit na ng paa ko.
YOU ARE READING
THE MISSING PIECES
Novela JuvenilON-GOING Date starts: 03/03/2023 Language: Taglish