KANINA pa nagpaparty ang mga tao pagkatapos ng kainan.
At yung kaninang pormal na party ay nawala na dahil napalitan ang kanta na para bang nasa bar kami at sa totoo lang, ang pangit ng kanta!
Nasa table pa rin ako kasama ang mga tita at pinsan ko. Yung iba naman sakanila ay umalis at naghanap ng maisasayaw at kanina ko pa gustong umalis para hanapin ang fiance ko.
Ang kapatid ko naman na si shaniqa ay nasa table na nila mama.
Hindi ko alam bakit hindi nakarating ang isa pa naming kapatid na si kuya shawn.
Pero sa tingin ko maraming ginagawa yun sa london.
"Gusto ko nang umalis dito." Bulong ni Hannah.
Gusto ko rin.
Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot ang kaibigan kong si aliah.
Salamat naman.
"Nina!" Tawag niya bago ibaling ang tingin sa ibang pinsan ko at binati sila.
"Kanina ko pa kayo hinahanap." Utas ko bago makipagbeso sakanya.
"Nasa second floor kami at kanina ka pa namin pinagmamasdan mula doon." Untag niya.
Umupo muna siya sa tabi ko at nakipagdaldalan sa mga pinsan ko.
Gusto ko ng umalis dito eh.
Humalukipkip ako at nilibot ang tingin sa buong venue hanggang sa mapadpad ang mga mata ko kung saan naka pwesto ang DJ.
Napangiti ako bago tumayo kaya napatingin sa'kin ang mga pinsan ko.
"Where are you going?" Aliah asked.
"May kukunin lang." Sabi ko.
"Sama ako." Aniya at tumayo na rin.
"Me too.." Si shaniqa na mukhang nayayamot na rin.
Tumango na lang ako bago umalis sa table namin at naglakad at dumiretso kung nasaan ang DJ.
Medyo natagalan pa kami dahil sa mga nagsasayaw sa gitna at panay din ang daldal ng kapatid ko at aliah.
May dumaan pa na waiter at inalok kami ng wine kaya kumuha ako dito.
Props lang.
Pagdating sa kung nasaan ang DJ ay binati ko muna siya.
"Hi, pwede po mag request ng song or pwedeng ako muna dyan?" Tanong ko.
"Of course." Ani DJ at ngumiti pabalik bago umalis sakanyang pwesto. "You know how to DJ?" Tanong niya.
Umiling ako. "You teach me." Sabi ko.
Tumango siya at tinuro sa'kin kung paano at medyo natagalan pa dahil sa pagpapansin ng dalawa kong kasama.
"Isa! Ibubuhos ko sa inyo 'to." Banta ko at akmang itatapon sa kanila ang hawak kong wine kaya napa atras sila.
Tinawanan sila ng DJ at nagpatuloy sa discussion niya nang matapos ay nilapag ko muna ang hawak kong wine sa may gilid na table bago magpatugtog ng bagong kanta.
'Clarity by zedd' Ang pinalit ko at mas lalong nag enjoy ang mga nagsasayawan sa gitna kaya pati ako napapasabay sa beat pati si aliah at ang kapatid ko.
Sa totoo lang nakakapagod pala ang ganitong trabaho pero nakakaaliw naman.
Nang mapagod ako sa pag D-DJ ay nagpaalam na kami at nagpasalamat bago bumalik sa table namin.
"You really good at everything no?" Bungad ni ivana sa'kin.
"Hindi naman." Sabi ko.
"Sus, pa humble." Parinig ni Red.