TODAY is monday at first day ng Intramurals! Maayos kaso sobrang ingay ng paligid kahit hindi pa man nagsisimula ang program.
Alas otso pa lang ng umaga at mamayang alas dyes pa magsisimula ang lahat pero napupuno na ng sigawan ang bawat class room na may kanya kanyang ginagawa. Habang ang iba naman ay gumagala lang sa buong campus o kaya nanggugulo lang.
"Hindi ka'pa tapos?" Aliah asked me.
Nasa classroom kami habang gumagawa naman ako ng report ko na ipapasa mamaya sa terror teacher namin.
"Malapit na." Sagot ko habang nasa laptop ang atensyon.
Kahit na maingay sa classroom ay dito parin ako gumawa ng reports ko dahil nakalimutan ko gumawa kahapon dahil sa lintek na sean.
Nag aya siya makipagdate at hindi naman ako makatanggi kaya ayun pumayag ako nakalimutan ko ang reports namin.
Inuna pa kasi ang landi.
Matapos ang isa't kalahating oras ay finally! Natapos ko na ang ginagawa ko.
Mabilis kong sinara ang laptop ko bago nag inat inat.
"Tapos na?" Tanong ni Aliah.
"Yup!" Sagot ko at malapad na ngumiti.
"Gala tayo sa buong campus!" Aya niya at tumango naman ako bago iligpit ang gamit ko.
Sa mga food stalls kami dumiretso at pagkatapos namin bumili ng makakain ay dumiretso kami sa quadrangle.
"Hi nina!" Nakangiting bati ni jaine yung singer dito sa school nang makita kami.
"Hi... I'm sure, kakanta ang grupo niyo noh?" Tumango tango siya habang malapad ang ngiti. "Good luck! See you around."
Umupo kami sa mono bloc ni aliah habang kinakain ang binili naming pagkain at ilang sandali pa ay natanaw na namin ang dean paakyat sa stage kasama ang ibang teachers.
Agad naman nagsilapitan ang ibang students para makinig sa sasabihin ng dean.
"Good morning students!" Masayang bati ng dean. "Today is the biggest day of St. Matthews. The Intramurals" Malapad siyang ngumiti. "We have a lot of activities starting today until friday so let's enjoy this biggest day in our school and let the enjoyments begins!"
Malakas na hiyawan at palakpakan ang umalingaw-ngaw sa buong quadrangle dahil sa anunsyo ng dean at nakisali pa ang kaibigan kong babaeta sa hiyawan at sigawan ng kapwa namin studyante.
Tinakpan ko ang tainga ako dahil pakiramdam ko ay tatalsik ang eardrums ko sa sigawan nila.
Inalog alog pa niya ako kaya hinampas ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Na carried away lang." Nag peace sign siya.
"Sa mga booths tayo." Aya ko na mabilis niyang sinang ayunan.
Sobrang dami talagang students na nakakalat kahit mga junior's high ng St. Matthews ay nakakalat.
Nilibot ko ang paningin ko baka makita ko ang kapatid ko pero masyadong maraming studyante.
Nagsimula na ang programa at karamihan din ay nasa quadrangle at nanonood ng paligsahan.
"Sa game booth tayo."
Tumango na lang ako at sumunod sakanya at masasabi kong maganda ang mga games nila.
Yung shooting gallery haha!
May ten pieces na maliit na toy na nakatayo sa tuktok ng nakabaliktad na cup at kailangan mong mapatumba yun using pellet gun at isang metro ang layo mo doon.