ALAS singko natapos ang klase namin at nasa guardhouse ako ng school nakikipag chikahan sa school guard habang hinihintay ang susundo saakin pauwi ng condo.
Wala naman kaming ginawa masyado dahil may meeting ang mga guro namin.
Maagang umalis ang kaibigan kong bruha kaya ang guard ng school namin ang pinagtitiyagaan ko, malapit lapit na kaming maging tropa nito. Si sean naman he wants to pick me up here but i told him na wag na because i want him to rest.
"Yan na ata ang sundo mo ineng." Si manong guard-1 na si mang raul.
"Oo nga po." Sabi ko at tinanaw ang papalapit na kotse.
Medyo nagtaka pa ako dahil hindi ang kotse ko ang gamit ng driver namin pero binalewala ko na lang at nilabas ang wallet ko para kumuha ng pera para sa mga tropa kong guard.
Nang mag park na ang kotse sa gilid ng school ay inabot ko na kay mang javier ang perang kinuha ko at nakipag kulitan nanaman ito saakin.
"Sige na poooo...." Pilit ko at hinawakan ang kamay niya at nilagay doon ang pera.
Bumuntong hininga siya at ngumiti din kalaunan kaya napangiti ako.
"Maraming salamat ineng." Sabi niya.
"Sige po, uwi na me! Hati kayo dyan, bye!" Sabi ko at kumaway sakanila bago naglakad palapit sa kotse.
Nakangiti pa ako habang binubuksan ang pinto sa passenger seat at agad na nawala ang ngiti sa labi ko at medyo gulat na napatingin sa taong nasa driver's seat.
kuya grey.....
Ilang araw na kaming hindi nagkikita at hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng kirot nang marinig ang malamig niyang boses na walang pinagbago, oo.
"Tatayo ka lang dyan?" Malamig niyang tanong at kita ko ang pagtitig niya sa kamay ko o mas tamang sabihin na ang singsing sa kamay ko ang tinititigan niya.
"P-pasensya na po." Sabi ko bago pumasok at sinara na ang pinto at tahimik na sinuot ang seatbelt.
Tamad niyang pinaandar ang kotse paalis ng school.
Grabe diko kinakaya ang tahimik sa loob ng kotse. Parang may anghel na dumaan sa sobrang tahimik pati stereo ng kotse ay nakapatay!
Matutuyo ata laway ko kakalunok ewws!
"Uh... Bakit ikaw po ang sumundo saakin?" Basag ko sa katahimikan pero hindi man lang siya nagsalita!
Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala talagang sagot!
sinusubukan ako ng gagong toh.
"Hello!? Bingi lang!?" Sabi ko pa.
"Lakas makahangin ng puta!"
"Magsalita ka naman!" pero wala pa rin.
"Mahirap bang sagutin yung tanong ko?" Halos pabulong ko ng sabi at para akong maiiyak sa hindi ko malamang dahilan. bwesit kasi!
"Fine!" Sabi ko na lang at sinandal ang ulo sa bintana at tinanaw ang mga kotse na nakakasabayan namin.
Mukhang uulan at sobrang traffic pa dahil rush hou.
Tama nga ako na uulan dahil unti unting may pumapatak na tubig ulan sa bintana. Nong una maliliit na patak lang ito hanggang sa lumakas na ng tuluyan at hindi ko alam bakit ako nakaramdam ulit ng kirot habang nakatitig sa patak ng ulan mula sa bintana at biglang pumasok sa isip ko kung bakit nga ba galit saakin si kuya grey...
YOU ARE READING
THE MISSING PIECES
Ficção AdolescenteON-GOING Date starts: 03/03/2023 Language: Taglish