I'm still sleeping when i feel someone squeezing my cheeks. I shifted my position but it didn't stop. I almost shout in anger when the fucking jerk grabbed my comforter.
Minulat ko ang mga mata ko at inis na tinignan ang hampas lupang nang isturbo ng tulog ko at ang gwapong sean ang bumungad saakin habang naka poker face.
Tangina!
"G-good morning." Bati ko at kimi siyang nginitian.
"Tss... Bangon na." Sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Nangyari doon? Bad mood lang? May dalaw?
Tinignan ko ang oras sa wall clock at napapanganga ako.
Alas dose na nang tanghali putek! Bakit ang late ako nagising? Hindi naman ako nagpuyat ah?
Talaga ba?
Charot! Alas quatro ng madaling araw na kasi ako nakatulog dahil sa panonood ng kdrama.
Mabilis akong umalis sa kama at dumiretso sa banyo.
Pagkatapos mag hilamos ay sa kitchen na ako dumiretso at naabutan kong pinapainitan ni sean ang ulam at kanin sa oven.
Mukhang nagluto siya kanina at lumamig na.
Biglang kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang niluto niyang chicken curry.
"Opo ka'na mabilis lang toh." Sabi niya nang makita ako.
Lumapit muna ako sakanya at hinalikan siya sa labi bago umupo sa dining table at hindi nakatakas saakin ang bahagya niyang pag ngiti dahil sa paglubog ng kanyang dimple.
Ilang sandali pa ay tapos na ang pinapainitan niya at pinagsandok ako ng bigas at ulam.
Mabilis ko naman nilantakan yun. Ramdam ko ang mga titig niya saakin pero hindi ko siya pinansin.
Masarap yung curry niya. Hindi ko alam na magaling pala siya magluto. Kadalasan kasi ako ang nagluluto ng ulam namin.
"Hinay hinay lang." Suway niya.
Sinulyapan ko siya habang mahinang ngumunguya. "Hindi ka kakain?" Tanong ko.
"I already eat, Ginutom ako." Sagot niya. "How's the ulam?" He asked.
Uminom ako ng tubig. "Okay lang, masarap, pwede na."
"Pwede na?"
"Pwede ka nang mag apply sa resto ko." Sumimangot siya. "Joke lang! Masarap talaga." Bawi ko habang tumatawa.
"Kumain ka na nga." Sabi niya at sumandal sa kinauupuan habang nakatingin saakin.
Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Sa totoo lang sobrang sarap ng luto niya. Magaling talaga siyang magluto. Mukhang handa na maging asawa ko. Charot!
Ngayon din pala ang birthday ni liam at hindi ko alam anong ireregalo ko sakanya.
Condo kaya? Kaso meron na siyang condo. Kotse na lang? Kaso meron din siya. Land title? Kaso wala ako non. Bumibili lang ako. Bahala na nga!
ALAS sais na nang gabi at nasa condo ako ni sean habang hinihintay siyang matapos magbihis.
Ngayong gabi ang birthday celebration ni liam at alas syete pa naman dapat pero nagbihis na kami dahil baka ma traffic pa kami papunta sa mansyon nila kung saan siya mag cecelebrate.