TAGATAK ang pawis ko hindi dahil sa init o tumakbo ako dahil sa lintek na larong volleyball at kung bakit ako napunta sa larong ito ay hindi ko alam!
It's been there days since the intramurals started at sobrang daming nangyari. Puro panonood lang kami dahil wala naman kaming balak sumali ng kaibigan ko pero ang hindi ko alam bakit ako nasali sa lintek na volleyball sport na yan.
Nasa Cafeteria kami ni aliah at third na diko alam bakit kasama namin habang kumakain ng snacks nang biglang dumating ang kaklase namin na kasali sa volleyball habang hinihingal.
"Kailangan mo?" Bored kong tanong kay Ellie Torre na kaklase namin.
"Urivia we need you!"
Tumigil ako sa pagkain ng fries. "Me? For what?"
"Sa volleyball please! Kulang kami ng isa, hindi pumasok si ivy."
"Ay wala akong alam dyan. Hindi ako marunong." Tanggi ko.
"I know you can do it Nina, please we need you." Pagsusumamo niya.
Napakamot ako sa pisngi. Wala nga kasi akong alam sa volleyball na yan!
"Sige na naman Nina."
Isa pa tong third na toh. Nagawa pang kindatan si ellie na kinapula pa ng babaeta.
"Ikaw na lang kaya." Sarcastic akong ngumiti kay third.
"Hindi din ako pwede." He said while sarcastically smiling.
"Please urivia ngayon lang naman." Pangungulit pa nitong Ellie.
Bumuntong hininga ako. "Fine! Pag kayo natalo, wag niyo kung sisihin." Tumango siya at ngumiti.
Malakas na sigawan ang namayani sa buong Auditorium. Mukhang mainit ang laban.
Grade 12 ang kalaban namin at kasama doon si krista na mukhang inis na inis saakin.
Mainis ka lang.
Sa totoo lang gusto ko nang manampal. Oo, kanina ko pa gustong supalpalin ang referee ng laro na toh. Kada serve, block namin ay may violation kami. At kunti na lang pipitik na ang ugat ko sa ulo pag hindi pa siya tumigil kaka violation keneme na yan.
Muling nag serve ang team ni krista at mabilis ko itong na block kaya nasa amin ang score.
Nag serve na ang ka team namin at naging maganda naman pero hindi ko alam bakit kami nakatanggap ng violation dahil lang sa nadapa ang isa sa kabilang team.
"Putangina, kanina ka pa sa violation mo na yan ha!" I said irritated while pointing at the referee. "Isa pang lintek na violation mo na yan at makikita mo talaga ang totoong violation. Pagod na ako sainyong mga bwesit kayo."
Mabilis akong inawat ng mga ka team ko pati sila kuya na nanonood ay naki awat na rin. Yung iba naman ay tumatawa lang.
Sean held my arm to stop me. "That's enough baby, chill okay?" He kissed my cheeks.
"Chill!? Ako magchichill? Kanina pa yang putanginang violate na yan kahit wala naman kaming violation!" Napailing ako.
Binigyan muna kami ng five minutes break dahil sa nangyari.
"Subukan mo ulit mag violate makikita mo." Banta ko sa referee bago ako pinaupo ni sean sa isang bench.
Pinunasan niya ang pawis ko. Lumapit din si aliah at third at inabutan ako ng tubig.
"Grabe, relax ka lang madam." Natatawang sabi ni third.
Matalim ko siyang tinignan na mabilis niyang kinatiklop. Wag niya akong mabiro biro gayong mainit ang ulo ko.