Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko, inabot ko ito at tinapon kung saam dahil sobrang ingay! Bago nagpagulong gulong sa kama, nang makontento ay bumangon na ako at nag inat inat.
Alas otso pa naman ang pasok namin pero dahil dito ako umuwi sa bahay alas sais na ako nagigising dahil malayo nga sa school itong bahay namin.
Pagtapos kung mag inat ay dumiretso na ako ng banyo para maligo.
Pagkatapos kung maligo ay dumiretso na ako ng closet ko at naalala kong wala nga pala akong uniform dahil nasa condo ko lahat at yung bago kong suot kahapon na uniform na susuotin ko pa sana ngayong araw ay wala na narumihan na dahil sa walang hiyang sean na yun! Bigla nalang ako nainis nang maalala ang lalaking yun!
Napakamot na lang ako sa ulo ko at naghanap ng masusuot, mag gown na lang kaya ako? Palagyan ko ng red carpet ang school namin kung saan ako dadaan? Charot! Wala akong alam na susuotin! Ang dami ko ngang damit pero wala akong alam na susuotin! Sako na lang kaya? Echoz ito na magpapalit na.
Total magmomotor naman ako napagdesisyonan kong mag suot na lang ng sako esti black leather jacket with a plain white tank top underneath terno with black sweatpants and my white sneakers pagkatapos ay naglagay na ako ng kolorete sa mukha ko! Joke lang powder at kunting liptint lang noh! Tsaka ko nilagay ang brown contact lense ko na may grado because i have poor eyesight, pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko sa half ponytail hindi ko na inayos masisira lang din naman toh mamaya pag naka helmet ako! nag spray muna ako ng perfume ko.
Nang makuntento na ako sa maganda kong mukha ay kinuha ko na ang phone at bagpack ko bago lumabas ng kwarto pero napatigil ako at napatingin sa lalaking kakalabas lang ng guestroom sa tabi ng kwarto ni kuya, normal lang naman ata yun noh? Yung gwapo ka kahit bagong gising ka tapos gulo gulo pa ang buhok nito pero wala akong pake! I hate him pa rin!
"Good Morning." Bati ni sean habang humihikab.
"Walang good sa morning, kung mukha mo ang bubungad saakin." Sagot ko dito at nilagpasan siya, narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago sumunod saakin.
"Bakit ba ang sungit mo miss, ang aga aga." Sabi niya habang nasa likod ko.
"Don't talk to me nga! we're not close!" Inis kong sabi ko at tumingin dito tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin din saakin.
"Is it because of the incident yesterday? I told you i didn't see it." Sabi niya at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga kamay at lumapit pa ng kaunti saakin.
ay wala akong pake! hindi man lang siya nag sorry!
"Whatever!" Sabi ko na lang at inirapan siya bago naglakad ulit pababa.
Pagbaba ko ay dumiretso na ako ng kitchen bago sa dining room.
Nandoon na ang ibang kaibigan ni kuya at si mama nagchichikahan! Binati ako ni ate kiara ng makita ako ganon din sila kuya drake.
"Good morning." Bati ko pabalik at lumapit kay mama tsaka siya hinalikan sa pisngi napangiti naman ito.
"Eat breakfast muna before you go to school." Si mama.
"Mom you know that I'm not into breakfast." Sabi ko dito dahil hindi talaga ako mahilig mag almusal.
"Kahit kaunti lang anak?" Pagpipilit niya.
"Hindi na po, male-late na din ako." Sabi ko, pumasok naman si sean sa dining room at binati si mama pagkatapos ay umupo sa tabi ni janika at nagtimpla ng kape niya.