PARANG binibiyak ang ulo ko dahil sa kirot dahil sa nangyari kagabi.
Pagdating namin sa bahay ay mabilis akong naligo at nakatulog agad ako dala na rin ng pagod.
Babangon na sana ako pero agad kong naramdaman ang isang brasong nakayakap sa tiyan ko.
Nilipat ko ang tingin ko sa gilid at bumungad saakin ang natutulog na sean habang nakadapa at yakap yakap ako gamit ang kaliwang kamay.
Dahan dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap pero mabilis lang niyang binalik yun bago umayos ng higa.
Bigla na lang akong napatigil nang makita ang maganda niyang katawan. Napalunok ako. Naka topless ang gago.
Gandang bungad naman n- charot!
Tangina, ang ganda ganda ng katawan niya at ito ang unang beses na makita ko ang katawan niya habang nakatopless. Hubog na hubog amputa. Full package.
May palaman ba diyan? Joki!
Iniwas ko ang tingin ko at inalis ulit ang braso niya sa tiyan ko at buti naman natanggal din yun nang hindi siya nagigising. Himbing ng tulog e.
Sa mansyon ng lolo ko pinatuloy ni papa ang ibang myembro ng org dahil na rin sa nangyari kagabi na kagagawan ng walang hiyang animal na simone na yun.
Dumiretso ako sa banyo ko at nagtoothbrush at bago alisin ang malaking band aid sa gilid ng noo ko. Mukhang ginamot ni sean ang noo ko habang natutulog ako.
Naghilamos na rin ako matapos alisin yun bago palitan ng bagong band aid at lumabas na nang banyo.
Mahimbing pa rin ang tulog ni sean kaya lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na at dumiretso sa kitchen.
Dinig na dinig ko ang boses ng mga pinsan ko mula sa dining room kaya pumasok na ako doon.
Agad nila akong binati ng good morning nang makita ako.
Umupo ako sa tabi ni aliah matapos silang batiin pabalik.
Nagsalin ako ng cereals habang nakikinig sa usapan nila na tungkol lang sa nangyari kagabi.
"Nasaan ka nong nawala yung ilaw?" Tanong saakin ni Saint yung pinsan ko.
"Nasa labas ata." Sarkastikong sagot ko. "Malamang nasa loob." Bawi ko.
"Kanina ka'pa hinahanap." Si kuya drake. "We tought kasama mo si sean pero hinanap ka rin saamin."
"Magkasama kami kaso nabitawan niya ako dahil may bumangga saamin." Sabi ko.
"Kaya naman pala." Tumango tango si aliah.
"Nabangga pa nga ako sa mga mesa tapos ano..." Tumigil ako. "Bigla kong nakapa yung plato kong puno ng pagkain."
"Anong ginawa mo?" Curious na tanong ni Ivan.
"Syempre nilamon ko kahit walang ilaw." Malakas silang tumawa. "Kaya hindi ako makasagot sa mga tawag nila papa dahil puno ang bibig ko." Dagdag ko pa.
Mas lalong lumakas ang tawanan nila.
"Putangina sa katakawan." Natatawang sabi ni red.
"Inuna pa talaga ang pagkain." Si Hansel.
"Ewan ko talaga sayo nina." Si Ivana.
"Gutom lang mga people." Natatawa kong sabi.
Napapailing nalang sila.
"But why do you have a blood stain on your face kagabi?" Tanong naman ni monica.