Today is Saturday and tomorrow evening is my father's company launching at nasa hotel kami nila tito ngayon dahil dito kami matutulog!
Kasama ko sa room ang kaibigan kong bruha at medyo inis ako sakanya dahil sa nangyare kagabi sa bahay! Naglasing ba naman ang babaeta!
"Hoy galit ka pa rin ba?" Tanong niya, nakahilata ito sa queen size na bed at nakapangalumbabang nakatingin saakin, sila mama nasa suite sila.
Sobrang laki din kasi nitong hotel nila tito dito sa Makati syempre this is a famous hotel too! at darating sila mamaya ni tita zarina.
"Hindi na nga medyo inis lang ako." Sagot ko habang binibraid ang magkabilang gilid ng buhok ko.
"I'm really sorry, kase naman ang baliw na Liam pinagtripan ako! wala akong plano maglasing that time pero siya kasalanan niya." Paliwanag niya.
Pang apat na beses niya nang nasabi yan saakin, nanisi pa nga.
"Okay na nga lang diba? Ang kinaiinisan ko lang is bakit doon ka natulog sa kwarto ko na lasing ka!? I told you i don't like the smell of alcohol!" Singhal ko.
Kaya ako naiinis dahil pag gising ko kaninang umaga ay para akong masusuka dahil sa amoy ng alak sa kwarto ko!
"Pasensya na talaga ses hindi na mauulit promise!" Sabi niya at lumuhod sa ibabaw ng kamay at pinagsalikop ang mga kamay. parang tanga
"Ay talagang hindi na mauulit ineng." Sabi ko dito.
"Hindi na nga I'm sorry talaga." Sabi niya at tumayo na.
"Papalit lang ako ng damit." Paalam niya at kinuha ang damit sa dala nitong duffel bag.
Naghintay naman ako dahil magpapalit din ako.
Tinali ko ang binraid kong buhok ko sa san rio habang nakatingin sa salamin, ang ganda ko talaga! sa gilid lang ng magkabilang buhok ko at hinayaan ng nakalugay ang mahaba kong buhok, sobrang haba na nito at yung bangs ko hanggang baba na nang kilay ko! Ang bilis naman humaba!
Tinignan ko ang dala ko ding duffel bag at naghanap ng maisusuot doon, nakapag shower na ako kanina at may dinner daw sabi ni papa jyan sa malapit na malaking Restaurant pagdating nila tito at tita, kunting salo salo lang daw kaya naisipan ko na lang magsuot ng gown.
Chariz! Nagpalit na lang ako ng white blouse and tinuck in ito sa white trouser at flat sandals lang para naman magmukha tayong disenting tao echoz!
Tinali ko ang dalawang braid ko sa ilalim ng buhok ko para na siyang headband diba ganda ko. wag kang epal.
Pagkatapos ay naglagay ako ng powder at kaunting liptint at nagpabango.
"Im done! Ikaw na ma..." Naputol ang sasabihin ni aliah nang makitang nakabihis na ako.
"Tapos na pala amputa!" Sabi niya at lumapit sa vanity table tsaka naglagay ng light make up.
"Hoy bhe sa malapit lang tayo bakit may paganyan ka pa?" Sabi ko dito dahil sa malapit na restaurant lang naman kami magdidinner!
"Wala kang pake teh dapat maganda ako lalo na't nandyan ang kuya shawn mo." Pairap niyang sabi.
"Edi wow inihaw!" Singhal ko rito at nilabas ang phone tsaka nag selfie.
Pagkatapos ay inopen ko ang IG ko para sana magpost pero kumunot ang noo ko nang makita ang tatlong chats doon ni Sean, kagabi pa toh, binuksan ko ito at muntik na akong mapamura nang makita ang chats niya.