CHAPTER 32

3 1 0
                                    

Nakakahiya ako....

Hiya? Shocks! Oo nakakahiya ako! Ang putik! ngayon ko lang naramdaman ang hiya sa ginawa kong paghalik kay Sean! Masyado akong sabik sakanya kanina at nahalikan ko siya! First kiss ko din yun!

"Say it again." Sean commanded.

Nasa loob kami ng kotse niya at hindi ako makatingin sakanya at kanina pa niya inuutos saakin ang word na i love you eh nahihiya nga ako! ayokong tumingin sakanya!

"Baby..." He softly called reaching my hand.

Nasa shotgun seat ako habang nasa driver's seat naman siya facing me.

I pursed my lips and didn't say anything. Kinakabahan kasi ako at kanina pa naghuhurumentado itong puso ko!

"Love..."

Wag!

"My love..."

Tangina huhu.

"Pangga... Say it again please..." He pleaded

"A-ano bang sasabihin ko?" Maang kong tanong.

"I know you know what i mean."

"Ah! Akala ko ba sa weekends ka'pa darating?" Pagsesegway ko.

"I can't wait for that day, gusto na kitang makita." Diretsong sagot niya

Napakagat ako sa ibabang labi at umiwas ng tingin kasi naman! iba magpakilig ang putek!

"Now can you say it again?" Sabi niya.

Akala ko pa naman nakalimutan na niya. Hindi ko alam bakit hindi ko masabi sakanya ulit na mahal ko siya but honestly there's a part of me that I'm scared. First time kong ma inlove sa isang tao at natatakot ako na baka ano.....

Baka masaktan ako.

Mukhang napansin ni sean ang pagiging tahimik ko dahilan para hawakan niya ang mukha ko at pinaharap sakanya.

"May problema ba?" Malumanay niyang tanong.

"Natatakot ako." Huminga ako ng malalim. "Honestly natatakot akong pumasok sa relasyon." Di'ko kasi alam ang daan palabas char!

This is first time to me at hindi ko alam, natatakot akong pumasok sa relasyon dahil never pa naman ako na in love dati ngayon lang.

"Then let's skip to the good part." Sabi niya na nagpataka saakin.

"What?" Natatawa kong tanong.

"I said... Let's skip to the good part." Ulit niya.

Anong part? Part 1? Part two?

"If you don't want to be my girlfriend then be my fiancee instead."

Muntik na akong matawa ng malakas sa sinabi niya pero nakita kong seryoso siyang nakatingin saakin.

"Fiancee agad!? Are you proposing!?" Gulat kong tanong.

Adik ba siya? Nakahithit ba siya bago napadpad dito? Ang bilis naman ata!

Umubo ako. "You can't be serious about that."

"I'm serious nina." Kaswal niyang sabi. "Total ayaw mo sa boyfriend-girlfriend thingy then let's skip that."

"Seryoso ka talaga?" Tumango siya.

"Actually... Meron na akong singsing dito." Sabi niya na nagpagulat saakin.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now