CHAPTER 6

3 1 0
                                    

Ano resulta ng naliligo pag pagod tapos matutulog na basa ang buhok? syempre lagnat! Ako kaseng si tanga natulog na basa ang buhok! Kaya ngayong pagising ko sobrang bigat ng pakiramdam ko! Nakakainis!

Nasa kama pa rin ako ngayon nakahiga at alas otse pa ng umaga! lukob na lukob ang buong katawan ko ng isang comforter dahil nilalamig din ako kahit pinatay ko na ang AC!

Bigla namang tumunog ang selpon ko sa may bedside table kaya inabot ko ito at tinignan kong sino ang tumatawag pero si kuya grey pala ito! sinagot ko ito agad.

"Po?" Sagot ko sa napapaos na boses.

"Nagising ba kita?"  Tanong niya.

"Hindi naman, napatawag po kayo?" Tanong ko at umupo sa kama habang minamasahe ang noo dahil kumikirot din ito.

"I brought you a breakfast, utos ng papa mo" Sagot niya. im not eating breakfast!

"Where you at?" Tanong ko na lang at dahan dahang bumangon napapamura pa ako sa aking isipan dahil sa kirot ng ulo ko!

"Im at the lobby, should i go up?" Maingat niyang tanong.

"No thanks, I'll go there, give me a minute." Sabi ko dito, nag okay lang ito kaya pinatay ko na ang tawag at dumiretso muna ako ng bathroom ko para mag hilamos pagkatapos ay kumuha muna ako ng hoodie jacket ko sa may closet tsaka ito sinuot at lumabas na.

Pagbaba ko ng lobby ay hinanap ko kong nasaan si kuya grey at nadatnan ko siya sa may mga sofa at may kausap itong naka puting sleeveless na lalaki habang nakahawak sakanyang magkabilang tagiliran, hindi ko makita ang mukha nito dahil naka talikod ito pero pamilyar ito.

Naglakad na lang ako palapit sakanila kaya napatingin saakin si kuya grey ganon din kausap nito, parang nainis ako ng makita kong sino ito kaya pala familiar!

Ang pangit na nga ng umaga dumagdag pa itong sean na toh! Hindi ko alam bakit ako naiinis!

Hindi ko na lang siya pinansin at  kay kuya grey ko tinuon ang pansin ko.

"Here's your breakfast." Sabi niya at inabot saakin ang paperbag.

"Salamat pero hindi naman ako kumakain ng breakfast diba?" Sabi ko dito medyo garagal pa yung boses ko!

"I know but you need to miss, yun ang utos ng papa mo." Sabi niya, bumuntong hininga na lang ako bago tumango, mamaya ko na lang toh kakainin.

"Yun lang po ba?" Tanong ko, hindi pinansin si sean na nakahalukipkip habang pinagmamasdan kami tsismoso ang peg!

"Yeah." Tipid niyang sagot, tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko at lumapit pa ito saakin, kunot noo ko siyang tiningala ng kaunti dahil matangkad naman ito.

"Why?" Takang tanong ko, hindi siya sumagot bagkus ay nilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko kaya napatigil ako doon at napatitig sakanyang seryosong mukha.

"Damn it nina! You have a fever!" Seryosong sabi niya, akala ko kung ano!

Inalis ko ang kamay niya doon.

"Lagnat lang toh kuya don't worry." Sabi ko.

"May gamot ka ba?" Tanong niya.

"Meron ata?." Patanong kong sagot dahil hindi ko alam kong may natira pa bang gamot sa unit ko.

"your not sure huh?" May inis niyang tanong, napanguso na lang ako ng kaunti.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now