KANINA pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon dahil tinatamad ako sa totoo lang. Medyo masakit din ang puson mukhang nalalapit na ang dalaw ko.
Mamayang gabi na rin yung celebration ng birthday ni kuya at wala pa akong maisip na ireregalo sakanya.
Wag ko na lang siyang bigyan ng gift... Nasa kanya na ang lahat isa pa mas mayaman yun kaysa saakin.
Nagpagulong gulong ako sa kama hanggang sa bigla na lang ako mahulog at ulo ko pa talaga ang nauna.
"Aray!" Mahinang daing ko habang nakahawak sa ulo.
Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at ang nagtatakang mukha ni sean ang bumungad saakin.
"What are you doing?" Tanong niya habang papalapit saakin at halatang natatawa sa itsura ko.
"Nahulog ako sa kama." Parang batang sumbong ko.
Malakas siyang tumawa bago ako tulungan makatayo.
Ikaw na masaya.
"Love naman, that's not a pool na pwede kang mag dive." Natatawa niyang sabi habang inaayos ang magulo kong buhok.
"Tangina kasi hindi naman ako nag d-dive." Sabi ko.
"Are you hurt?" He asked still laughing.
"My head hurts." Nakanguso kong sabi.
"Aw." He pouted. "Ang tanga mo kase." He laughed so hard.
Ay putangina talaga.
"Sige, pagtawanan mo'ko, wala kang katabi matulog." Banta ko na kinatigil niya.
Tumikhim siya at kunware sumeryoso. "Hindi na po." He kissed my head. "Let's tie your hair." Sabi niya at inayos ang buhok ko.
"You gym?" Tanong ko sakanya.
Naka sleeveless kasi siya at mukhang katatapos lang mag gym.
Nagtanong ka'pa nina.
"Yeah..." Tinapos niya ang pagtali sa buhok ko. "Good morning my love." He added and kissed my forehead down to my cheeks.
"Morning." Bati ko pabalik bago naglakad papuntang bathroom.
Alas syete pa naman ng umaga at hapon pa lang dapat nasa hotel na kami kung saan gaganapin ang birthday party ni kuya.
Ginawa ko na ang morning routine ko bago lumabas ng bathroom at ang naka cross arms na sean ang bumungad sa pinto.
"Ginagawa mo dyan?" Tanong ko.
"Hinihintay ka matapos." Simpleng sagot niya.
Tumango ako at tumabi para makapasok siya pero hindi pa rin siya gumagalaw at nakatingin pa rin saakin.
"Bakit na naman?"
"You forgot my morning kiss." Parang nagtatampong sabi niya.
Oo nga pala, akala ko nakalimutan niya.
"Sorry naman." I leaned closer to him and give him the kiss he wanted.
Ngumiti siya. "Anong oras tayo aalis?" He asked.
"After lunch, bibili pa akong regalo para kay kuya."
He nodded before entering bathroom.
Lumabas naman ako ng kwarto at dumiretso sa kitchen para ipagluto ng breakfast ang lintek.
ALAS TRES na ng tanghali at kanina pa kami sa bentahan ng mga kotse at kanina ko pa iniisip kong anong kotse ang wala si kuya at kanina ko pa napapansin na mukhang naiinip na rin ang fiance ko kakahintay saakin.