CHAPTER 54

1 1 0
                                    

PAGTAYO ko ay bumungad saakin sila kuya at nakatutok isa isa ang baril sa mga kalaban at ganon din sila pati ang pinsan kong si ryder ay nakatutok ang baril sa mga kasamahan namin.

Okay part of the job.

Ang baril ni sean ay nakatutok sa lalaking kulay gray ang mata.

Ang bilis naman nila.

"Nina!" Tawag ni aliah.

Pinagpagan ko ang sarili ko dahil sa mga bubog na tumama saakin bago lumapit sakanila.

"Ano ba yan! Hindi naman alak ang kalaban mo!" Reklamo ko sa lalaking nabaril ko.

"You son of a bitch! I still remember the day you shot me on my hand!" Galit na utas ni abo ang mata.

"Ako rin, naalala ko rin kung paano ka mamilipit sa sakit noon." Ngumisi ako. "Pasalamat ka nga binuhay pa kita." Bored kong dagdag.

"Are you okay?" Tanong ni sean.

Tumango ako kahit na may gasgas ang siko ko dahil sa mga bubog na tumama saakin.

"Fuck! Ikaw pala yung nina?" Mataray na tanong nong babae.

"Hindi ako yun." Sagot ko.

Lumapit saakin si sean at hinalikan ako sa pisngi.

"Damn, nakuha niyo pa talagang maglandian?" Sabi nong babaeng katabi ni Ryder.

"Bakit inggit ka? Hanap ka rin kalandian mo." Pang aasar ko.

"Bitch." Bulong ng babaeng nagtanong kung ako ba si nina.

"Hoy! Kanina ka'pa." Sabi ko at tinuro turo siya gamit ang baril ko.

"Stop pointing your gun to me!" Inis niyang sabi.

"Tanga! Gusto kitang tutokan." Sagot ko din.

"Ikaw talaga yung nina?" Tanong ng katabi ni ryder at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. "Anong nakita sayu ni sean?" Tumawa siya.

Wow, grabe.

"Itong kagandahan ko na wala ka." I flipped my her. "Wala sigurong nagmamahal sayo kaya inggit ka sa relasyon namin no'?" Maloko akong ngumiti.

"Someone is loving me bitch!"

"Pakihanap." Sabi ko.

"What?"

"Pakihanap yung pake ko." Narinig ko ang tawanan ng mga kasamahan ko.

"Fuck it! Stop talking to her Ariya!" Galit na sigaw nong isang lalaki.

Hinila ni sean ang braso ko palayo nang bigla na lang silang mag palitan ng suntok.

"Stay out of this..." Bulong ni sean at mabilis na hinalikan ang labi ko bago nakisali sa bakbakan.

Binalik ko sa loob ng jumper ko ang baril ko. Baka mawala gold toh.

Gusto ko din makisali e. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at lumanding yun sa kitchen.

Pagkain.

Sinipa ko sa mukha ang lalaking humarang saakin at mabilis siyang tumilapon kasama ang hawak niyang machine gun.

Lumapit ako sakanya at tinadyakan ang sikmura niya bago kuhanin ang machine gun at tumuloy na sa kitchen.

May naamoy ako kanina na nagluluto ng fries at hindi ako nagkakamali.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now