CHAPTER 15

5 1 0
                                    

Tanginang Sean! Akala mo ang gwapo gwapo! totoo naman yun gwapo siya!

Kaso nakakainis siya! Tuwing napapatingin ako sa gawi niya ay kinikindatan ako! at ang tanga ko namang hart ay bumibilis ang tibok! parang tanga!

Pagkatapos kong mag entertain ng ibang customer ay umalis muna ako ng counter dahil papalubog na ang araw kaya lumabas muna ako sa may terrace ng Coffee house at umupo sa dating pwesto ko kung saan tanaw ang papalubog na araw.

Habang nakatanaw doon ay may biglang umupo sa tabi ko kaya tinignan ko kong sino ito at sino pa nga ba? si Sean.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko nakataas ang isang kilay.

"Hindi ba pwede?" Tanong niya pabalik tsaka umupo sa harap ko at nilapag doon ang inorder niyang Coffee.

"Maraming table naman." Sabi ko dito at humalukipkip.

"I like it here." Sagot niya din, napairap na lang ako.

"Stop rolling your eyes little woman." Saway niya. pakialam ba niya!?

"ano naman ngayon, mata mo ba!?" Inis kong tanong.

"Bakit ba inis na inis ka saakin?" Tanong niya, natigilan naman ako doon.

Bakit ba inis na inis ako sakanya? Hindi naman dahil lang doon sa uniform incident right? pero nakakainis siya! kase ang babaero niya! at bakit siya ang naging first crush ko!? eh ang babaero niya! hindi ko naman alam na siya yung nasa davao kase naka specs siya! naiinis ako pag nakikita kong may kasama siyang babae! ay pakialam ko ba doon? hindi naman siguro ako nagseselos kase matagal na yung pagkacrush ko sakanya diba?

"Whatever! Makipag usap ka sa hangin!" Sabi ko na lang at tumingin ulit sa papalubog na araw.

A small smile crept on my lips when i see the sunset.

I have an effable feeling whenever i see sunsets, its just that.. it's so pretty! I can cry, i can smile i can be sad whenever I'm seeing it but one thing's for sure it will be back again tomorrow it might get better with different colors? And it will always be our sunsets..

Ngumuso ako ng lumubog na ito bago tumingin sa harap. oo nga pala may sean pala dito!

Nakatitig ito saakin habang kagat ang ibabang labi para pigilan ata ang ngiti pero mapapansin naman yun dahil sa lumulubog niyang dimple kaya napatitig ako doon, ang lalim talaga! mas lumalim ito compare doon sa last three years na pagkikita namin pero bakit naka specs siya doon? at bakit hindi ko napansin na green ang mga mata niya? tinignan ko ang diamond earring nito, bago napanguso ng kaunti, siya nga yung lalaking nagustuhan ko when i was fourteen hanggang ngayon suot niya pa rin ito

"Have you ever been to davao?" Seryosong tanong niya kaya medyo nagulat ako doon.

Umiwas ako ng tingin bago siya sagutin.

"Wala pa." I lied at tumingin ulit sakanya.

Ayoko ngang sabihin noh! hindi ko din alam bakit ayaw ko!

"Okay." Sagot niya at kinuha ang phone sa table bago tumayo.

"Thanks for making me sit here." Dagdag pa niya at naglakad na paalis.

Nakatingin lang ako sa likod niyang papalayo napabuntong hininga ako bago ilabas ang selpon sa bulsa ng phone ko at nag tweet.

@Ninadumpies_
I was a girl in the background, several degrees of separation removed.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now