PAGDATING ng weekends ay sa Resto Bar ako tumambay dahil matagal tagal na rin akong hindi nakakabisita dito.
Nasa davao pa rin si sean at hindi ko pa sure kailan siya makakabalik dito, namimiss ko na siya!
"Ninaaaaaaaaaaaa!!" Napatakip ako sa magkabilang tainga ko nang biglang sumulpot ang baliw kong kaibigan na aliah sa loob ng office ko dito sa resto.
Tinignan ko siya ng masama dahil sa talas ng bibig niya, napa peace sign naman ito at umupo sa mini sofa.
"What are you doing here?" Nakataas kilay kong tanong at sumandal sa backrest ng swivel chair.
"Wala lang! I just missed you at dahil namimiss kita sa condo mo ako makikitulog." Nakangisi niyang sabi.
"Excuse me? magkasama tayo kahapon." Suplada kong sabi.
Ang babaeta magkasama kaming dalawa kahapon eh!
"I know pero... sayu muna ako."
Pumayag na lang ako sa gusto niya dahil gusto ko din naman na kasama sa condo.
"Kailan daw uuwi si labidabs mo?" Usisa niya.
Alam din ni Aliah na nanliligaw si sean saakin. Actually lahat ng myembro ng Org alam na nanliligaw si sean at hindi ko alam bakit nila nalaman. Even my family knows about it!
KINAHAPUNAN ay nasa resto pa rin ako at dahil bored ako at dahil may sariling mundo ang kaibigan kong si Aliah na nakahilata sa sofa habang nagce-cellphone, sinubukan kong itext si kuya grey dahil magpapasama ako sakanya sa orphanage.
From kuya grey:
I'm sorry but I'm busy.Napanguso ako nang mabasa ang reply niya sa text ko.
"Babaeta..." Tawag ko kay Aliah.
"Hmmm?" Sagot niya habang nasa phone ang atensyon.
"Gaano ba kayo ka busy sa hideout?" Tanong ko sakanya dahil matagal na akong hindi nakakapunta doon.
"Hindi naman masyadong busy, after the training mag sisiuwi na kami or tatambay doon gaya ng ginagawa na'tin." Sagot niya at tinignan ako. "Bakit?" Umiling ako.
Saan ba siya busy? sigurado na talaga akong iniiwasan niya ako and i don't know bakit na bo-bothered ako.
Bumuntong hininga ako at nagtipa ng reply sakanya.
To kuya grey:
Okay... Ingat po!Pinatay ko na ang phone ko at tinignan ang oras sa wallclock at alas tres na pala kaya tumayo ako para tumulong. Sa susunod na araw na lang ako pupunta doon!
"Lalabas ako, dito ka'lang?" Sabi ko.
"Susunod ako." Tumango na lang ako at lumabas na.
Paglabas ko ay nakita ko sila kuya at ang mga kaibigan niya sa isang mahabang table kung saan sila lagi pumupwesto.
"G'afternoon." Bati ko pagkalapit sakanila at umupo sa tabi ni kuya shion.
"Hi nina!" Nakangiting bati ni kiara ganun din ang iba. Binati ko lang sila pabalik.
"So... Anong meron?" Usisa ko.
"Nothing sis, gusto lang namin tumambay." Si kuya shion.
Nakisali na lang ako sa kwentuhan nila at ilang sandali pa ay lumabas na rin si Aliah at lumapit saamin.
Kumunot ang noo ko nang makita kung paano niya iwasan si Liam and liam did the same!
What's wrong to the both of them? Hindi naman sila ganyan! Hmmm something smell fishy.