Sa sumunod na araw ay naging busy kami sa school ganon din sila kuya dahil malapit na din ang Sem Break.
Dumating na din sila papa galing london kaya pauwi kami ngayon sa subdivision para doon matulog dahil next week na ang launching ng company niya na gaganapin sa hotel na pagmamay ari ni tito Xavier matalik na kaibigan ni papa at siya ang ninong ko.
Hindi na din kami nagkita ni Sean simula nong gabing yun.
"Ses okay ka lang?"
Napabalik ako sa wisyo ng magsalita ang kaibigan ko.
"O-oo, bakit?" Tanong ko.
Nasa kotse niya ako nakasakay pauwi ng subdivision dahil doon daw siya matutulog at gusto niyang makita si kuya shawn na crush ng bruha.
"Tulala ka ang lalim ng iniisip mo." Sagot niya
"Bakit nasisid mo?" Tanong ko.
"Gaga! ano ba kaseng iniisip mo? Salita ako ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig! sayang laway ko." Sabi niya at mas binilisan pa ang pagdadrive, may nakasunod saamin na mga tauhan ni papa sa likod.
"Iniisip ko lang, bakit asukal na pula ang tagalog ng brown sugar?" Tanong ko, humagalpak naman ito ng tawa kaya pati ako napatawa na rin.
"Tangina mo HAHAHAHAHAHAH." Natatawa niyang sabi.
"Hindi diba kase brown yun tapos pag may nagtanong sasabihin nila asukal na pula." Natatawa kong sabi.
"Bosit yan!" Sagot niya at hinawakan pa ang tiyan.
"Umayos ka nga, baka ma accident pa tayo." Sabi ko dito at nilabas ang phone tsaka ito nag connect sa kotse niya at naghanap ng music.
Every summertime by NIKI.
It read kaya pinindot ko ito at medyo pinalakas ang volume.
Sumandal ako sa backrest at pinikit ang mga mata bigla na lang pumasok sa utak ko ang imahe ng mukha ni Sean ng gabing yun kaya napadilat agad ang mga mata ko. minumulto ba niya ako? ang advance naman niya kung ganon!
Ano ba yan! pinilig ko ang ulo ko at pinakinggan na lang ang kanta.
"And i swear the magnolias flashed a smile (flashed a smile)
And that's when i caught me hoping you'd stay a while (stay a while)"Sinabayan ko na lang ang kanta!
"Baby, I'd give up anything to travel inside your mind
Baby, i fall in love again come every summertime...
My daddy taught me to choose 'em wisely, but you don't have to try..
Cause, baby, i fall in love every summertime..."Pagkanta namin ni Aliah.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay, pina stop pa kami sa entrance ng subdivision dahil hindi kilala doon ang kotse ni Aliah kaya pinakita ko nalang kay manong guard ang ID kaya ayun nakapasok kami agad.
Bumaba na ako ng kotse nang maipark ni Aliah ang kotse niya sa garahe.
"Hello madlang people!" Sigaw ko sa sala kaya napatingin saakin ang mga tao doon.
Hindi lang pala si mama at papa ang ang tao doon, pati si kuya at ang mga kaibigan niya ay nandoon din!
Agad dumako ang mga mata ko sa mata ni Sean, walang emosyon but i can see the stress and strabble trough his eyes, he even lost his weight though it didn't lessen how attractive he is but for damn reason it's hard to see him like this!