CHAPTER 35

2 0 0
                                    

PAGDATING sa school ay binati ko muna ang mga tropa kong security guard ng school bago tuluyang pumasok at sakto namang pagbaba ko ng kotse ay ang pagdating ng bruha kong kaibigan.

Lumapit ako sa kotse niya pagkapark at hinintay siyang lumabas.

"Hi, good morning!" Masaya niyang bati.

"What's good in a morning?" Nakataas kilay kong tanong.

"Why? Something happened ba?" Taka niyang tanong.

"Hindi naman, tara na nga." Sabi ko na lang at hinawakan ang braso niya at sabay kaming naglakad papunta sa room namin.

Marami na ring students ang nakakalat at yung iba ay binabati kami pero tinatanguan lang namin sila ni aliah pero binabati namin pabalik yung mga kakilala lang namin.

Habang naglalakad kami sa hallway kung saan patungo sa room namin ay nakasalubong namin ang grupo ni krista.

Agad na tumaas ang kilay nang magsalubong ang tingin namin at inirapan pa ako ng gaga.

ki aga aga ang lintek!

Matalim ko rin siyang inirapan bago kami nagpatuloy sa paglalakad pero ang bruha bigla na lang binunggo ang balikat ko kaya napabitaw ako sa pagkakahawak kay aliah na nagulat sa ginawa ni krista.

"Oops! Akala ko poste." Maarteng sabi niya at nagtawanan pa sila kasama ang mga alipores niya.

Ayoko sana siyang patulan ulit dahil bukod sa senior namin siya, ayokong mapunta sa guidance again pero diko mapigilan, sinisira niya umaga ko.

"Bulag ka siguro noh?" Sabi ko at nagsalubong naman ang mga kilay niya.

Mukha siyang galit na clown.

"What did you say!?" Inis niyang sabi.

"Ay bulag na nga bingi pa." Naiiling kong sabi at nakarinig ako nang tawanan sa mga students na nanonood pala saamin.

"Bitch!" Sigaw niya.

"Ang aga aga, hindi ka'ba nag breakfast? Libre kita sa cafeteria." Pang aasar ko at namula na nga siya sa galit.

Hindi ka mananalo saakin ulol men!

Tinignan niya ng matalim ang mga students na tumatawa bago ibalik ang tingin saakin.

"You know what?"

"Hindi ko alam." Putol ko sa sasabihin niya.

"Sinusubukan mo talaga ako noh!" Pagalit niyang sabi.

Problem ba ng babaeng toh? Hindi ata nakapag almusal o baka kulang sa tulog.

"Bakit ko naman gagawin yun sa walang kwentang katulad mo?" Inosenti kong tanong at sumabog na nga sa galit ang bruha dahil sumugod na siya pero bago pa niya ako mahawakan ay bigla nalang tumunog ang bell.

"Hindi pa tayo tapos." May diin niyang sabi pero nginisihan ko lang siya bago kami nagpatuloy ni aliah sa room namin habang natatawa.

"Lakas ng trip ng bruha." Natatawa niyang sabi.

"Kulang ata sa tulog." Napailing na lang si aliah bago umupo sa upuan niya kaya ganon din ang ginawa ko.

Lakas kasi ng trip ng babaeng yun, lakas maghanap ng away pero siya naman ang laging natatalo tsk.








MABILIS din natapos ang morning class namin dahil review lang kami.

Sa Cafeteria kami dumiretso ni aliah at siya na rin ang pina order ko ng lunch ko dahil katext ko ang fiance ko at tinatamad akong umorder.

THE MISSING PIECESWhere stories live. Discover now