TODAY is weekend at wala naman masyadong ganap. Minsan nasa bahay lang ako. Sa totoong bahay namin o kaya nasa resto tulad ngayon.
Si sean ay madalas din silang nasa hideout at pinag uusapan naman ang birthday ni kuya na sa isang araw na at sa isang hotel gaganapin ang celebration.
"Thank you." Sabi ko sa customer matapos mag order.
Sa Coffee house muna ako tumambay dahil nakakamiss din dito. Minsan lang kasi ako nakakatambay dahil palaging nasa baba ako.
Alas tres na nang tanghali at hinihintay ko lang mag alas singko para panoorin ang sunset dito sa taas.
Habang inaayos ko ang pang ipit ko ay biglang pumasok ang dalawang customer na medyo nagpatigil saakin.
Walang emosyon na naglalakad si kuya grey kung nasaan ako habang kaakbay ang matangkad na magandang babae.
Ilang araw na kaming hindi nagkikita at masasabi kong wala pa rin siyang pinagbago, malamig pa rin ang trato saakin amputek!
Pinilit ko na lang ngumiti nang makalapit sila. "Welcome ma'am and sir, may i know your order?" Formal kong sabi inimphasize ko pa ang salitang sir.
Mukhang napansin yun ni kuya grey dahil tinaasan niya ako ng isang kilay pero ngumiti lang ako ng peke sakanya.
"One iced Americano for me." Bumaling siya sa babaeng kasama niya na kanina pa nakatanga saakin. "Gia." Tawag niya.
"Oh, sorry." Ngumiti ang Gia. "One iced vanilla coffee." Sabi niya.
"Take out or dine in?"
"Dine in."
"How about a sweets or dessert po?" Tanong ko habang tinatype ang order nila sa computer.
"Two sliced of mocha cake." Sagot ni sungit.
"That will be 690 sir and ma'am." Wika ko at inabot ni kuya grey ang black card niya.
"Wala po kayong cash?" Tanong ko.
"I don't have." Masungit niyang sagot.
Palihim akong umirap bago tanggapin ang card niya at mabilis na gi swipe at binalik din sakanya.
"Thank you po and please wait for your order."
GREYSON POV:
She's so cute when she's irritated. I can't help but to admire her.
My feelings to her never fade. Hindi nawala ang nararamdaman ko sakanya kahit anong gawin ko.
I'm completely drawn to her and i hate myself for that.
Iniwasan ko na siya't lahat lahat nandito pa rin.
At kung alam niya lang kung gaano ako nagsisi nong gabing nagmura ako sa harap niya.
I just can't control my irration that night. I'm so fucking worried when i saw her car at puro tadtad ng bala at wala man lang akong nagawa.
Gustuhin ko man siyang lapitan pero para akong napapaso kaya pinilit ko na lang siyang iwasan na parang hindi kami magkakilala.
But to be honest ako rin ang nasasaktan sa ginagawa ko lalo na nong iwasan niya rin ako na para bang hindi niya rin ako kilala.
People talk about how great love is but that's bullshit. Love hurts, feelings are disturbing.
Numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it.