ARCIE'S POV
Dismissal Time.
Parang ang gloomy ng araw na to! hay!!
Si Ren mukhang kanina pa tulala..
Si Yanna and Lance hindi nag kukulitan ngayon
Si Justin busy sa pag gawa ng mga steps kaya buong araw naming hindi nakita
Ganun din si Michelle, may training kasi ng volleyball kaya wala din sa klase.
Ako naman at si Jiro.. uhmm hindi nagpapansinan dahil dun sa "accident" na nangyari samin kahapon.
But come to think of it, hindi naman kami talaga nagpapansinan ah!?
Pero yung sa 'accident' na yun, first ko yun no kaya hindi ako maka get over!
Aba ang tagal kong pinangarap na si labanos ang maging first kiss ko. Ilang beses ko pa nga yun pinagpantasyahan sa utak ko eh! Tapos sa iba pa napunta! And worst, si Ren pa ang dahilan kung bakit may biglang naka-tuka sakin.
Haaaaaaaayy.
Right after ng class, umuwi na ako agad at gutom na ko. Gustong gusto ko nang mag meryenda.
Nag tatatalon naman ako habang naglalakad pauwi samin pero bigla akong napatid kaya sumubsob ako sa semento.
"aray!!"
Nakita ko na may isang tali na nakatali sa magkabilang dulo ng bangketang nilalakaran ko.
Nagulat ako dahil may biglang nag buhos ng tubig sakin. Tumingin ako dun sa taas ng bahay kung saan nanggaling yung tubig and ayun nakita ko sa may terreace ang F4 (na ibig sabihin para sakin eh Fafansin Four) at mga nakapamewang at ang tataas ng kilay.
"pulubi! Anong pakiramdam na mabasa ng tubig?! Masarap ba?! Ngayon ka lang nakaligo no?!"
Nagtawanan silang apat dun na parang mga baliw
"ikaw! Bat mo hinalikan ang prince Jiro namin kahapon ha?!"
"hindi sinasadya yun-"
"don't you dare na mag explain samin! Kitang kita namin ang mga nangyari!"
OK! Kanina tinatanong ako tapos nung nagpapaliwanag ako pinapatigil naman ako.
May saltik ba tong mga to?!
I tried to stand up pero bigla din akong natumba dahil malaki yung sugat ko sa tuhod gawa nung pagkakadapa ko. Nagtawanann naman ulit sila
"buti yan sayo slut! Flirt! Haha! Magdusa ka diyan!"
Nagpasukan naman yung mga bruha sa loob ng bahay at naiwan ako na nakaupo dun.
Oh great! Talagang ang napili pa nilang lugar eh yung bihira lang ang mga taong dumaan.
Tumayo ulit ako pero natumba parin ako.
Bat ba ko naghihirap nang ganito?!
Tumayo ulit ako and this time ginamit ko yung wall para pang support pero ganun parin, natutumba parin ako.
So paano na ko makakauwi ngayon? Ano na gagawin ko?
Bigla na lang ako naiyak dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Ano ba naman kasi kasalanan ko sa mga yon? At bat ba dahil mayaman sila inaapi na ko?
Iyak lang ako ng iyak dun then bigla akong may nakitang isang lalakeng nakaupo na sa harapan ko
"J-jacob? "
"yo!" naka smile siya sakin na parang ang saya-saya niya na nakita niya ko.
"JACOBB!!!! "
"what are you doing here? At bat basang basa ka?"