ARCIE'S POV
"what?! Sinabi niya yun?! Naku Arcie, sinasabi ko sayo, wag na" Yanna told me
"But you should give him a chance. Malay mo totoo ang mga sinasabi niya." sabi naman ni Mich
"binbo, sinaktan ka niya ng husto remember? Baka masaktan ka lang ulit" paalala saakin ni Ren
"but maybe this time pinagsisisihan niya lahat ng mga ginawa niya. Malay mo willing talaga siyang itama ang mali" pangontra naman ni Justin
Hanggang ngayon nag lo-loading ang utak ko sa mga sinabi ni Jiro. Nakabalik na ko't lahat sa school di ko parin alam ang desisyon ko. I tried asking the S6 for advices pero mas lalong gumulo ang utak ko. Pero meron isa sa kanila ang may matinong advice at talagang tinamaan ako. Ang advice ni Lance.
"alam mo Arcie, ikaw lang ang makakasagot niyan kung dapat ba bigyan mo siya ng second chance o hindi. Mahal mo pa alam ko yan. Hayaan mo lang siya gawin lahat ng gusto niya. Hayaan mong patunayan niya na mahal ka niya. Then afterwards dun mo i-judge kung totoo ba ang mga pinakita niya sayo or hindi"
And he's right. Siguro sa ngayon mas maganda na hayaan ko na lang muna si Jiro. Bat ba kailangan kong mag decide agad samantalang siya naman ang nag sabi na patutunayan niyang totoo ang mga sinasabi niya. Then hindi ko na siya pipigilan.
Pero ang pinagaalala ko is Amber. Sabi nila she went out of town. Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa mga nangyari. Malamang nasaktan siya ng husto kasi bumalik siya dito for Jiro. I feel guilty. Gustong gusto ko makausap si Amber pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Hay bahala na nga. Hihintayin ko na lang siya na makabalik and tsaka ko na pagiisipan ang mga sasabihin ko.
Dumaan muna ako sa teacher's office para gawin yung mga ipinagagawa saakin then before the homeroom, pumasok na ako sa classroom namin.
Pagpasok ko ng classroom pinagtitinginan ako ng mga classmates ko and parang natatawa sila na ewan. Teka, may problema ba sa mukha ko? O baka dahil sa bandage sa ulo ko? Dahil sa na-consious ako sa mga tingin nila saakin, inayos ko yung buhok ko habang papunta ako sa upuan ko.
Ng makarating na ko sa chair ko, nagulat ako sa nakita ko. Isang malaking teddy bear at isang bouquet ng flowers at may note na kasama.
Good morning Arcie. I hope this simple gift made you smile today
-Jiro.
Napatingin ako kay Jiro and nakatingin siya sa may window, but he's smiling.
I also smile.
Simpleng bear pa lang na bigay ni Jiro ang saya ko na, what more sa iba pa. Siguro nga tama narin na bigyan ko siya ng second chance. Tama rin na hayaan kong patunayan niya na mahal niya ako. Masaya naman ako eh.
Kasi mahal ko pa talaga siya.
***
For the whole day, nakabuntot saakin si Jiro. Si Ren naman iniiwasan ako. Malamang nagtatampo saakin yun kasi hindi na ako galit kay Jiro. Nakita niya kasi kung gaano akong nasaktan and normal lang na magkaganyan saakin si labanos kasi alam ko naman na labs na labs ako ng bestfriend ko. Kaya nung magdidismissal na, hindi ko rin siya natiis na kausapin.
"labanos!!! Kain tayo sa park ng fishball paguwi ha?" hinila hila ko si Ren pero inalis naman niya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya.
"may practice ako ng banda, kay Jiro ka na lang magpasama"
Positive. Nagtatampo nga siya. "eh ayoko. Pag sa kainan ikaw ang gusto kong kasama! Syempre no masarap ka kaya kumain kaya ginaganahan ako kumain pag ikaw ang kasama ko."
Iniwas niya yung tingin niya saakin "sana Arcie oras-oras na lang kung kumain ang isang tao para oras-oras ako ang gusto mong makasama" he stood up "sorry but I really can't accompany you today" umalis na siya.
Nagalit ba talaga si labanos sa ginawa kong desisyon?
Pero kasi wala naman talaga kong nakikita na mali sa ginawa ko... Ganyan ba siya naapektuhan sa nangyari saakin?
[next morning]
Maaga akong nagising. Ewan ko ba hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang ginawa ko or hindi. I want to let Jiro prove to me that he loves me, besides, sa umpisa pa lang naman ako na ang iniisip niya eh. Nagkamali nga lang siya ng way. But still, nagagalit si labanos sa naging desisyon ko. Hay ang gulo.
Hindi ko maintindihan bat siya nagagalit saakin.
"ma, pa papasok na po ako"
"ang aga naman"
"may kailangan pa po kasi ako gawin eh"
Sa totoo lang wala naman ako dapat gawin, pero kesa magliwaliw ako sa bahay, mas mabuti pang pumasok na lang ako.
Lumabas na ko ng house namin.
"good morning Arcie"
"ay tipaklong!" napalingon ako sa likod ko and I saw Jiro riding a bike "bat ka nandito?"
"sinusundo ka"
"ha?"
"alam ko gusto mong makalanghap ng hangin every morning, kaya nag dala ako ng bike. Sakay ka na"
Dahil sa wala na ko magagawa, sumakay ako sa likod ng bike ni Jiro "hawak ka maigi ha,"
Pinaandar niya na yung bike but instead na sa school kami dumiretso, inikot muna niya ang buong village.
Nung makarating na kami sa school, may isang teddy bear at flowers na naman na nasa desk ko. And syempre kanino pa ba galing?
For two weeks naging daily routine na ni Jiro ang pagsundo saakin sa umaga and pagbibigay niya saakin ng teddy bear. Isang araw nga sinabi niya saakin na natutuwa siya na kahit papaano napapangiti niya na ko. Natutuwa rin naman ang S6 sa nangyayari saamin ngayon. Madaming nagsasabi na sagutin ko na daw si Jiro,
except Ren.
Umiiwas siya talaga saakin. Akala ko simpleng pagtatampo lang and eventually magiging masaya narin siya pero hindi pala. Minsan tinanong ko siya kung bat siya nagkakanagyan eto ba naman sagot saakin
"hanggang ngayon ba wala ka parin ba idea? Nahihirapan na ako"
Tinapat ko naman siya na wala talaga akong idea. Aba mas lalong nagalit at talagang hindi na pinansin mga tanong ko.
Totoo naman eh, naguguluhan ako. May nagawa ba akong mali?
Pero kung ano man yun sana patawarin na ko ni Ren. Namimiss ko na ang bestfriend ko eh.
Maaga ulit ako sinundo ni Jiro ngayon and naglibot muna kami bago ulit dumiretso sa school. Pero hindi muna ako dumiretso sa classroom kasi may mga kailangan pa akong gawin sa teacher's office. As usual before homeroom, umalis na ako sa dean's office para dumiretso sa classroom. Dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung mga gamit ko.
"Arcie"
Napalingon ako sa tumawag saakin and I saw Amber standing beside me
"A-amber?"
Bumalik na siya? Biglaan to. Sa totoo lang nawala na sa isip ko si Amber kaya nakokonsensya ako ngayon. Hindi ko siya matignan ng diretso
"can we talk?" tanong niya saakin
"s-sige"
Ngayon, anong sasabihin ko sa kanya?