ARCIE'S POV
OK. Kanino ba talaga galing yun? Kay Jacob ba? Pero imposible naman eh! Hindi naman daw siya pumasok sa room ko. At ni isa sa family ko walang nakakaalam kung paano napunta yun sa room ko.
Well sabi ni Arvin kay santa claus daw?
Naglalakad ako ngayon papuntang classroom at busying busy kakaisip kung saan nanggaling ang napakalaking teddy bear sa room ko.
Ang galing nga naman nung nag bigay nun! Alam na gusto ko ang teddy bear!
Teka hindi kaya si-
Umiling iling ako
Imposible! Mga iniisip ko talaga oh!
Pumasok na ko sa loob ng classroom and
"bat ka kasi nakikialam!" sigaw ni Ms. Krissa
"hindi ako nakikialam. I'm just trying to help him!" sagot ni sri Nike sa kanya
Nagulantang naman ako sa aking nakita.
Si Mam Krissa and si sir Nike nag-aaway?
"Arcie!!"
Tumakbo sakin palapit si Justine.
"help me! Ayaw nilang tumigil!"
"ano bang nangyari?"
"eh kasi si sir Nike may background daw siya sa pag ballroom dancing then he tried to help me making the steps and formations. Kaya lang medyo hindi sila nagkasundo ni mam krissa kung anong magandang formation kaya ayan"
Nyek! Sus! Talagang nauwi sa sigawan?!
"eh basta ako may handle ng class na to kaya wala kang karapatan para i-contradict ang mga sinasabi ko"
"I'm not contradicting you! nag su-suggest lang ako nang mas better na formation"
"arcie, ikaw na bahala dito. Mukhang magaling ka namang umawat ng dalawang nag aaway. Aalis muna ko ah? Dun sa mas tahimik. Di na ko makakapag concentrate dito."
"ah sige. Saan ka?"
"kahit saan. Baka sa gym!"
Tumakbo na palabas ng room si Justin. Si Mam krissa and si sir nike naman, ayun, bangayan mode parin ang dalawa.
Tumingin ako sa paligid. Ang tao lang dito sa room ay ako, si sir and mam na nagaaway at si...
..Si jiro na natutulog.
Ganun parin kaya ang pagtrato sakin ni Jiro tulad nung nasa mall kami?
Ano ba! Bat ko ba iniisip eh alam ko naman yung sagot! Natural hindi! Siya na mismo nag sabi na sa araw lang na yun siya ganun sakin!
Teka, pana-panahon ba talaga mood ng taong to? once in a blue moon maging masaya?
"don't you dare touch me!! "
Bigla naman akong bumalik sa aking katinuan dahil sa dalawang teacher na nag-aaway sa harap ko.
"okay okay!" nakita ko nakataas yung dalawang kamay ni sir Nike, yung para bang hinohold-up siya
Lumapit ako sa kanila
"ah mam, sir tama na po-"
"teka nga bat ka ba nagagalit? " tanong ni Sir Nike kay Ma'am Krissa nang may mapangasar na tono
"ah sir-"
"kasi nakikialam ka!"
"mam magbati na p-"