ARCIE'S POV
"calling the attention of all the students, please proceed to the gymnasium for the general rehearsal"
Almost 30 minutes na kami dito sa loob ng laboratory. Siguro kanina pa ko hinihintay ni Labanos sa gym.
Nakaupo narin ako ngayon sa sahig katapat ni Jiro. Tumingin ako sa kanya. Natutulog ata ulit tong isang to. O baka naman talagang galit siya sakin dahil ako ang may kasalanan kung bakit kami na trap dito?
Aba teka, kasalanan ko ba talaga?! Eh malay ko bang sira ang doorknob nun! naku naman!
Tumingn ulit ako sa natutulog na si Jiro. Hindi ko talaga maipagkakaila na ang gwapo ng lalakeng to. Yun nga lang bat ba ang sungit niya? But lately pansin ko hindi na siya ganun ka sungit sakin. Mas nicer na ang pakikipagusap niya sakin. Pero kahit na! minsan may mood parin siya na ang sunget niya!!
Pero ang gwapo niya kasi ngayon eh! at isa pa dalawang beses ko siya nadaganan ngayong araw kaya malamang galit nga yan.
Naku naman kasi Arcie, ayaw mo talaga ng isang kamalasan sa isang araw no? gusto mo yung madami at sunod sunod pa! >__<
Dumilat si Jiro then he looks at me. I look away. Napatitig na pala ko sa kanya hindi ko napansin.
"uhmm. Ano, s-sorry" bulong ko pero yung tamang maririnig niya
Nakatingin lang siya sakin and hindi ko mabasa ang expression niya. Yumuko naman ulit ako. shocks! Parang matutunaw ako ah.
"tell me, bat ka nakadagan sakin kanina?"
Naramdamang kong naginit ang mukha ko sa tinanong niya
"h-ha? Ah. k-kasi. a-ano eh "
"pagsasamantalahan mo ko no?"
"h-ha?! H-hindi no!!" alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon. Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko nagsipuntahn na sa mukha ko eh!
Nakayuko lang ako at hindi ko ma-iangat ang ulo ko. Aba for sure makikita niya ang mala-kamatis na pamumula ng mukha ko no.
"ui"
Nagkamali naman ako ng move dahil biglang napaangat ang ulo ko. Pero mas nakakagulat
His face was inches from mine.
Nanlaki naman ang mga mata ko nun.
He is looking at my lips then he stared at me
"ah.ehh Ji-jiro"
Umatras ako pero lumapit siya
"t-teka— "
"oh, bakit ka namumula?"
Umatras ulit ako pero lumapit ulit siya.
Ok I think I'm going to hyperventilate any minute now and pag itong gwapong nilalang sa harapan ko eh hindi ako nilayuan...
I'm gonna suffocate to death.
Bigla niyang pinunasan ang pisngi ko
"may dumi ka" then lumayo na siya
Bigla naman akong nakahinga ng maluwag nun
I thought he is going to kiss me.
Tsk, sayang!
Hala ano'ng sayang?! Arcie Morales ano ba talaga yang mga pinagiiisip mo ngayon?!
"ikaw, may gusto ka sakin no?" Nagulat naman ako sa tanong niya
"h-ha? W-wala no!"
Anak ng tinapa! Kay lakas ng hangin naman! Ano bang klaseng accusation yan no! ako? si Arcie Morales? May gusto kay Jiro Festin?