AMBER'S POV
"Jiro thank you dahil pumayag ka na samahan akong mag dinner"
"no problem, hindi lang ako pwede mag tagal kasi grounded ako" he said without looking at me
"o-ok"
I stare at him while he was eating, seryoso ang mukha niya and I know hindi siya masaya. Dati kada kakain kami lagi siyang naka smile, kahit pa may problema siya.
Sabi niya dati nawawala ang problema niya pag nakakasama niya ako. Masaya siya makita lang ako.
Pero iba na ngayon.
Naalala ko lahat ng mga pinagusapan namin ni Ren. At alam kong hindi ko magagawa na iwan si Jiro kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ako kasing tatag ni Ren. Kung magpapaka tanga man ako, hindi sa paraan na iiwan ko si Jiro.
Kasi hindi na pagpapakatanga yun, parang pagpapakamatay na yun.
"J-Jiro ang sarap ng pagkain dito no? naalala mo ba na dito tayo madalas kumain dati?"
"yea"
"uhmm gusto mo bang kumain ng cheesecake mamaya? Dun sa madalas natin kinakainan?"
"sorry Amber pero kailangan ko talaga umuwi ng maaga."
"o-ok"
We eat in silence. Nabibingi ako sa katahimikan. Gusto kong mag open ng mag open ng topic pero alam kong hindi naman siya interesado.
Nung natapos na kami kumain dumiretso na kami agad ng parking lot.
He opened the door of his car pero bago pa siya makapasok pinigilan ko siya
"Jiro" tumingin siya saakin "bakit ba mahal na mahal mo si Arcie kahit na pinagtatabuyan ka niya? Bat ba hindi mo siya maiwan-iwanan kahit ayaw niya na sayo?"
"Amber please"
"mahal mo ba talaga siya Jiro?"
"I love her"
"pero ayaw na niya sayo!! Nandito naman ako Jiro eh, hindi ba pwedeng ako na lang?"
"Amber please, alam mo naman na hindi na kita pwedeng balikan di ba?"
Tinalikuran niya ko pero but I hugged him from the back at bigla na lang akong naiyak "mahal na mahal kita Jiro, please wag mong gawin to. Nagsisisi naman ako na iniwan kita dati eh. Pero bumalik naman ako di ba? And I promise you hinding hindi na kita iiwan kaya please Jiro bumalik ka na saakin"
Humarap siya saakin then he wipped my tears "I'm sorry Amber for hurting you"
"no! don't be sorry! tama lang yung dahil sinaktan din naman kita eh! Pero please Jiro wag mo kong iiwan! Please. Kahit rebound lang ako, kahit si Arcie pa ang nasa puso mo ayos lang saakin basta wag mo kong iiwan Jiro please" Jiro hugged me "alam mo naman na hindi ko pwedeng gawin yun Amber.
Hanggang ngayon mahalaga ka parin saakin at ayoko ng masaktan ka pa" he faced me then he held my face "Amber you deserve someone better. Wag mong sayangin ang pagmamahal mo sa isang tulad ko."
"pero mahal kita Jiro eh. Mahal kita"
He wipped my tears again "listen Amber, kahit gaano mo pa akong kamahal dadating sa point na makakalimutan mo rin ako. Look at you, maganda, mabait, matalino at mapagmahal. Makakahanap ka pa ng mas higit saakin maniwala ka. "
Umiyak na lang ako ng umiyak habag yakap yakap ako ni Jiro. Nung medyo napakalma na niya ako tsaka siya humiwalay sa pagkakayakap saakin "halika na Amber, ihahatid muna kita sa inyo"