ARCIE'S POV
"nakalabas ka na pala sa hospital. I'm glad your ok" Amber smile at me
"t-thanks. So nagbakasyon ka daw? Saan?"
"Sa Ilocos lang. May dinalaw"
Hay ano ba tong usapan na to. Paligoy-ligoy.
Nandito kami ngayon sa rooftop para magusap but I think walang marating ang paguusap namin dahil alam kong paligoy-ligoy kami. At ayoko naman nun.
Huminga ako ng malalim "Amber, dun sa nangyari I'm sorry"
Tinalikuran niya ako "I'm sorry too Arcie. Hindi ko alam na nasasaktan ka na pala. I didn't mean to hurt you"
I tapped her back "wala naman saakin yun. Hindi mo kasalanan. Hindi mo naman alam eh"
I'm glad na hindi siya galit sa nangyari. Sana magtuloy tuloy na to
She faced me "but, I-I want to ask you a favor. Sana mapagbigyan mo ko"
I smile at her "I will as long as kaya ko"
She held my hand "Arcie, grabe ang tiniis kong sakit nung iwan ko si Jiro. I know it's my fault kung bat hindi na niya ako mahal but still, hindi ko na makakayanan pa na mawala ulit siya saakin."
Napabitaw ako bigla sa pagkakahawak ni Amber ng kamay ko "a-ano ibig mong sabihin?"
"please, ipaubaya mo na saakin si Jiro. Buong loob ako lumapit sayo. Pati pride ko hindi ko na inisip. Kaya Arcie please..."
It's my turn to turn my back to her "i-im sorry but hindi ko magagawa yan. Hindi ko narin kayang mawala saakin si Jiro. I love him"
And that's true, masama na ko sa masama, pero hindi ko na kaya bitawan si Jiro.
Ayoko ng maramdaman yung sakit na nawala siya saakin. Ayoko na.
"Pero may Ren ka na! Nakaya mo naman di ba dati?! Please Arcie, I'm begging you! Mahal na mahal ko si Jiro!"
"I'm sorry Amber pero sa totoo lang hindi ko kinakaya na wala si Jiro. Katulad mo nasasaktan din ako. Mahal na mahal ko siya and hindi ko na kaya na pakawalan ulit siya. About me and Ren, magkaibigan lang kami"
"magkaibigan?! It's obvious na gusto ka niya!"
"hindi ko alam ang sinasabi mo but there's nothing going on between us. Close lang talaga kami at magkapatid lang ang turingan namin."
"But still, nandyan siya para tulungan ka, pero ako wala"
"I'm really sorry Amber. Ayoko magkasira tayo dahil lang dito. Pero di ko rin kaya na mawala saakin si Jiro. I am sorry"
Nagsimula na kong maglakad palayao ng bigla niyang hawakan ang braso ko
"wait Arcie. I want to tell you something"
I faced amber "please drop it Amber"
"no, I think you should know this. J-just don' tell anyone. It's a secret."
Bigla naman ako nagtaka sa sasabihin niya "ano yun?"
"nalulugi na ang Prince Academy"
Nagulat ako sa sinabi ni Amber "nalulugi?! Paano?! Imposible!"
"it's true. Actually I went to ilocos to visit Jiro's grandmother, the owner of this school and she's ill. Nasabi niya saakin na nalulugi na ang Prince Academy and hindi na nila alam kung paano pa patatakbuhin to. The school might close by the end the year"
Napaupo ako bigla. No, hindi pwede. Pag nagkataon, maghihirap din si Jiro.
"Jiro doesn't know anything about this. Ayaw nila ipaalam muna. So please don't tell him."
I nod "kung makakatulong lang sana ako..."
"I know a way"
Napatingin ako kay Amber "ano yun? Amber tell me!"
"Alam kong hindi mo kayang gawin Arcie. And mas mabuti pang wag mo narin marinig"
"hindi! Gagawin ko kahit gaano pa kahirap matulungan ko lang si Jiro! Please Amber tell me kung ano ang dapat kong gawin!"
"Arcie, I asked my dad para mag invest sa school na to. Pumayag siya kasi ang alam niya kami ni Jiro and after graduaton, i-e-engage na niya kami"
Biglang sumikip ang dibdib ko "i-ibig mong sabihin...?"
"pag nalaman niyang naghiwalay kami ni Jiro, babawiin din niya ang perang ininvest niya" she tapped my back "nasa iyo ang decision Arcie. Una na ko sa classroom." Iniwan ako ni Amber sa rooftop.
It's up to me.
Pakakawalan ko siya para hindi siya mahirapan.
Or magpapaka selfish ako at itutuloy ko to?
Pero hindi ko kayang mahirapan si Jiro dahil sa selfishness ko.
Napayuko ako
God, ayaw niyo ba talaga na maging kami?