CHAPTER 31: PRINCE SUNGIT IS BACK

109 0 0
                                    

ARCIE'S POV

"Arcie, I really love you. Matagal ko na gusto sabihin yun. Mahal na mahal talaga kita"

Nasa harap ko ngayon si labanos. He's opening up his feelings for me. Dati gustong gusto kong marining sa kanya yung mga salitang yun pero bakit ganun, parang wala na kong nararamdaman?

"Ren— "

"It's too late Ren" lumingon kami sa nagsalita.

It's Jacob

"you're too late" lumapit si Jacob sakin then inakbayan niya ko

"she doesn't love you now dahil ako na ang gusto niya." Jacob placed his hand on the back of my neck and pulled me closer. He leaned on me then he kissed me.

"how dare you?! Sino ka ba?!" galit na tanong ni Ren sa kanya.

"gusto mong malaman kung sino ko?" he faced Ren, then unti unti niyang tinatanggal yung wig niya

Unti-unti..

...

...

"Ms. Morales!!"

"sir!"

Napatayo ako bigla and nakita ko lahat ng mga classmates ko nakatingin sakin.

"are you sick ms. Morales? Do you want to go to the clinic? " tanong ni si Nike saakin

Napatingin agad ako kay sir Nike na nasa harap ko "n-no sir. I'm fine"

"ok then, don't sleep in my class please. We have a quiz next meeting, so it's better if you listen to my discussion"

"y-yes sir. I'm sorry."

"tsk ano ba yan! Ginagawang hotel ang school natin. Mga hampas lupa talaga" rinig kong sinabi ni Emily, ang leader ng fafansin four.

English time namin. Hindi ko namanalayan nakatulog pala ko. Sobrang puyat kasi dahil dun sa cross-stitch.

Napahawak ako sa lips ko. Grabeng panaginip naman yun. Pero sayang! Kung hindi ako ginising ni sir edi nalaman ko na kung sino si Jacob.

Napatingin ako kay Ren, and he's smiling at me. I smiled back.

Sa dream ko nagtapat siya sakin pero hindi ako kinilig?

Hay ang weird talaga ng panaginip ko na yun! Sobrang weird!

Breaktime

"binbo ano nangyayari sayo bat parang nagiging antukin ka ata ngayon?"

"oo nga Arcie, may pinagkakaabalahan ka ba?" tanong ni Yanna

"err—wala naman. Gabi na kasi ako nakatulog dahil dun sa movie na pinanuod ko"

"naku binbo sige pagpatuloy mo lang yan baka sa susunod ma detention ka na. hindi lahat ng teachers natin kasing bait ni sir Nike no."

"opo labanos"

Sabi na masesermonan ako nitong labanos na to eh. Gusto ko sanang sabihin yung gift ko para maitanong ko narin kung ayos lang ba kaso kasama kasi namin si Jiro eh, mahirap nang mabuking.

Speaking of Jiro, kanina pa siya tahimik. Well tahimik naman talaga yang tao na yan but lately kasi nagsasalita narin yan kahit papano. Ngayon bumalik na naman sa pagiging tahimik to.

Lalapitan ko sana siya para kausapin kaya lang bigla na siyang tumayo

"guys una na muna ko. May 15 minutes meeting kasi ng team."

"oh, oo nga no malapit na ang sports tournament" sagot ni Lance kay Jiro

"hay kaya nga kami din medyo pressured na sa pag papractice eh" sabi ni Michelle

My PrinceWhere stories live. Discover now