Chapter 67: CONFRONTATION

91 0 0
                                    

ARCIE'S POV

3:00am ako nakatulog. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang itsura ni Jiro habang umiiyak.

5:30am ako bumangon. Sige ako na ang walang tulog. Kahit 8:00am pa ang pasok ko, naligo narin ako agad pero hindi muna ako nagbihis ng uniform. After ko maligo lumabas ako saglit. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili ko na wag nang bumalik sa park pero eto ako ngayon, naglalakad papunta dun.

Pagdating ko sa park, wala na dun si Jiro but instead nakita ko yung teddy bear.

Lumapit ako then kinuha ko yung bear. Napansin kong may kasama itong sulat.

Binsasa ko.

Arcie,

I hope nagustuhan mo yung fireworks. Actually idea talaga ni ate yan eh. Sabi niya kasi, isa sa pinaka special na bagay na magagawa mo sa isang taong mahal mo is yung sabay niyong panuorin ang fireworks. Ako namang si uto-uto sinunod ang payo niya. Pero ok lang, maganda naman di ba? kaya nga hindi na dapat nag principal si ate. Sana nagsulat na lang siya ng romantic novels, baka matalo niya pa si Nicholas Sparks.

Anyways Arcie, I am very happy kasi napapangiti na ulit kita. Dati nung binitiwan kita grabe akong nagsisisi kasi naipangako ko na sa sarili ko na ako ang magiging dahilan kung bakit masaya ka, hindi kung bakit nasasaktan ka. I don't want to make the same mistake twice. I'd let go of your hands, and hindi ko na ulit gagawin yun kahit ano pa ang sabihin mo. Mahal na mahal kita Arcie, always remember that.

-Jiro.

I tried my best not to cry pero wala, bwisti na mga luha tumulo na naman sa mata ko.

Now Arcie, paninindigan mo parin ba ang sinasabi mong tama ang naging desisyon mo?

I tried to calm myself, then I stood up. Pumasok ako sa loob ng house namin dala-dala yung teddy bear at letter. Kumain na ako ng breakfast then after nun nag ready narin ako sa pagpasok.

"ma, alis na po ako" sinabi ko kay mama habang nakayuko. Baka kasi mahalata niyang namumugto ang mga mata ko eh.

Paglabas ko ng bahay nagulat ako dahil may nakita akong lalaking palapit saakin, habang hila-hila niya yung bike niya.

"J-jiro?"

"good morning Arcie" namumugto ang mata niya tulad ko but still he is wearing a bright smile.

I can't help but fall.

Yumuko siya then tinignan niya ang mukha ko "bat parang namumugto ang mata mo?" tanong niya saakin

Look who's talking.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya

"puyat ako"

"oh? Parehas pala tayo! tignan mo ang mata ko" itinuro niya yung mata niya "mugto din"

Bat ba ganito siya makipagusap? Para lang walang nangyari kagabi.

"Arcie sakay na sa bike! Di ba gusto mong magikot-ikot before pumasok?"

"Jiro— "

"Arcie!!"

Napatingin kami pareho kay Ren na kabababa lang sa kotse, "binbo, sakay na sa kotse"

Tinalikuran ko si Jiro "s-sige"

"wait Arcie, mas gusto mong nag bbike sa umaga di ba? sabi mo yun sakin dati"

"ano bang pinagsasasabi mo Jiro?" inakbayan ako ni Ren "let's go binbo"

Sumakay kami ni Ren dun sa car niya then pinatakbo na nung driver. Napatingin ako sa side mirror and nakita ko si Jiro naglalakad habang hila-hila niya yung bike niya at nakayuko.

My PrinceWhere stories live. Discover now