ARCIE'S POV
Binigyan kami ng menu ng waiter. Pagkapasok ko pa lang dito na-vibes ko na agad na hindi ko afford ang food kaya mukhang kape lang ma-oorder ko.
Tinignan ko ang mga prices
Holy cow! kape lang bat umaabot ng 100+?! May ginto ba sa mga kapeng to?! dapat pa lang nagtimpla na lang ako sa bahay eh!
Tinignan ko yung iba pang mga pagkain and as expected, mahal din. Kung kape nga lang ang mahal na eto pa kaya! Butas ang kawawa kong bulsa! Kumukulo pa naman ang tyan ko.
May lumapit na waiter samin "hi mam, hi sir can I get your order"
"Arcie ano sayo?"
"h-ha? W-wait lang. Ikaw muna"
"one classical cappuccino and clubhouse sandwich"
Tinignan ko ang laman ng wallet ko, and ayun nakita ko ang nagniningning na 50 pesos. Ano naman ang mararating nito?!
"Arcie sayo?"
"h-ha? Ano. hmm w-water! Water na lang! busog pa ko eh. hehehehe " Waaaaaaaaaa I'm gonna starve to death!
"same na din ng order ko yung sakanya"
"ha?! T-teka lang Jiro. kasi ano. ano hindi pa talaga ko gutom promise!"
"We have a long day ahead. You need to eat"
"pero kasi."
Paano ko ba sasabihin na wala akong pera! Nakakahiya naman! Bat hindi ako nakahingi kay mama kanina! Tama ba namang sumabak sa galaan kasama ang isang sosyal na lalake na singkwenta pesos lang ang laman ng bulsa?! Haaaay
"jiro. ano p-pwede bang pautang? Babayaran kita promise!"
"Can I ask why?"
"kasi ano eh you see.wala akong nadalang pera" nakakahiya ka talaga Arcie. Ang kapal pa ng mukha mo.
He smiled at me "we're on a date, right? Then this is my treat"
Bigla naman akong kinilig dun "o-kay. thanks"
Haaaay nakakatuwa naman, lagi na lang ako napapahiya sa harap ni Jiro but in the end, he manages na mapalitan yung kahihiyan na yun sa kilig.
Dumating na yung foods na inorder namin. Actually, masarap nga eh. kaya siguro ganito kamahal to.
I thought we are going to eat in silent. well ang plano ko naman talaga eh hindi siya kausapin ng buong araw. Aba kahiya-hiya naman talaga yung inasal ko kanina. Hindi naman talaga niya kasi kasalanan yun. Talagang assuming lang ako. He's so nice pa nga para sabihin na first date namin to para lang hindi ako mahiya sa sinabi ko, but in the end nakakahiya parin talaga.
Nagulat naman ako ng kinausap niya ko casually. Tinanong niya ko kung masarap yung food, I said yes tapos yun na, hindi na nahito ang paguusap namin. Hanggang sa pumunta kami sa mall, nag kukwentuhan kami. Marami rin naman akong nalaman about him, ganun din siya siguro sakin. We have a lot in common but we also have a lot of differences. Masaya din naman pala tong kakwentuhan, hindi ko maimagine na mas madaldal pa siya sakin. Aba biruin niyo ang Jirong nakilala natin bilang isang masungit na prince eh madaldal pala talaga?
O sadyang bi-polar lang talaga tong taong to?
Hindi naman kaya inlababo na siya sakin? Wahahahaha
What I've notice is hindi niya binibitawan ang kamay ko unless kailangan talaga. He's been holding my hand all the time which I found very sweet. Sabi na eh, he's like an ice cream, cold but sweet in his own way. Siguro grabe kinilig or kikiligin ang mga naging at magiging girlfriend nito!