REN'S POV
"hello Amber? Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"I'm fine. Salamat kagabi Ren. Susunduin mo na ba si Arcie?"
"yes. Nandito na nga ako sa tapat ng bahay nila"
"ok, then have fun"
"salamat"
"Ren"
"hmm?"
"k-kaya natin to"
Napangiti ako sa sinabi niya
"tama, kaya natin to!"
She hangs up the phone. Napagkasunduan namin ni Amber na sabihin na ngayong araw ang lahat kay Jiro at Arcie. Pero syempre humiling ako ng onting oras na makasama si Arcie. Para sa huling pagkakataon mapasaya ko siya.
Nakita ko si Arcie na tumatakbo palabas ng bahay nila habang papalapit saakin "Ren! sorry naghintay ka ba ng matagal?"
"hindi naman. So let's go?"
"tara excited na ko mag beach ulit!"
Sumakay na kami sa car then diretso na agad sa beach na madalas naming puntahan dalawa.
As usual pagkadating doon dumiretso na agad siya sa tabing dagat at nag tampisaw na parang bata. Ako naman isa-isa kong inilagay yung mga gamit namin dun sa cottage.
"Labanos halika na! wag ka ng mag aayos pa diyan! Sulong na sa tubig"
Tumakbo naman ako papunta kay Arcie at nakipag basaan sa kanya. After naming magbasaan tinry naman naming mag banana boat. Nakakatawa nga dahil takot na takot si Arcie kada tutumba yung boat eh.
Nung nagutom na kami pareho kami dumiretso sa isang seafood restaurant malapit sa beach.
"binbo treat ko to. Alam ko namang binbo ka eh!" I told her
"sige. Tandaan mo pag ako yumaman ikaw naman ang i-te-treat ko!"
"sabi mo yan ha? So order ka na. Ano ba gusto mo?"
"madami-dami akong oorderin! Patay ka ngayon saakin, gagawin kitang binbo!"
Tinotoo naman niya ang pag oorder ng madami. May crab, may bangus, may sinigang na hipon, may pusit pa!
Matapos kaming kumain, pareho kaming busog na busog dalawa. Karamihan pa nga eh hindi namin nakain yung mga inorder niya kaya pinabalot na lang niya at iuuwi na lang daw niya sa family niya.
Dahil sa sobrang kabusugan pareho kaming nakatulog ni Arcie sa cottage. Mga bandang hapon nung nagising kami, balik ulit kami sa dagat para mag swimming.
"binbo ano ba yan! Ang negra mo na oh tignan mo!"
Itinapat ko yung braso ko kay Arcie para tignan kung sino ang mas maitim saaming dalawa.
"eh ang daya daya mo naman kasi eh! Napaka labanos mo! Bat di ka nangingitim? Namumula ka lang! ano bang secret mo ha?"
"sadyang bestfriend ko lang yung araw!" I laugh
"ah best friend ha" sinabuyan ako ng sinabuyan ni Arcie ng tubig
"ah ganyan pala ang gusto mo ha?" syempre ginantihan ko siya.
Habang nag sasabuyan kami ng tubig, tawa ng tawa si Arcie. Sobrang tagal na panahon ko ng naririnig ang tawa ni Arcie pero ngayon ko lang narealize kung gaano pala kasarap sa pandinig ang mga tawa niya. Para bang pag tumatawa siya, ang sayasaya ko narin. Alam ko after this day ang taong pinaka makakapagpaligaya na kay Arcie is Jiro but still I'm very happy kasi nakikita kong masaya siya ngayon. Kahit papaano napatunayan kong kaya kong alisin ang pain sa puso niya, kahit panandalian lang.