ARCIE'S POV
Kawindang ever!! Di ko malaman bat ganun ang reaction ng taong yun kahapon. Ano bang meron dun sa cheesecake na yun?
Baka naman nagalit nung sinabi kong hindi masarap yung cheesecake tapos favorite pala niya yun? * _____ *
Bakit ba? Eh sinabi sakin ni Jacob na hindi daw masarap yun eh!
But wait a minute, parehong-pareho ang reaction ni Jacob at ni Jiro dun sa cheesecake na yun! Ano bang meron?
Mga lalake talaga ang hirap intindihin. Siguro kung sa harap naman ni Ren ibinalandra ang cheesecake na yun tuwa at galak ang pipinta sa mukha niya
School..
Lunchbreak..
"AAAAAAAAAAHHH" sigaw ko habang tinuturo ko ang F4
"what's your problem?!" galit na sabi saakin ni Emily
Lalapit sana ko sa mga F4 na busying – busy sa pagwawalis ng school ground ng school kaso parang may masamang arua ang lumalabas sa katawan nila at nagsasabi saking wag ko ng ituloy.
Pero teka, bat naman kaya nagwawalis ang mga to?
Mukha atang naparusahan sila ng lola ni Jiro dahil sa inasal nila sa party ah. BWAHAHAHAHAHA
Naramdaman ko naman na may yumakap bigla sakin kaya napalingon ako
"l-lola...? e-este ma'am!"
"hija! Nagkita na tayo't lahat sa birthday ni Jiro hindi mo pa sinabi sakin na girlfriend ka pala niya!"
"gi-girl friend?? P-pero hindi po "
"naku wag ka ng mahiya! Halika sumama ka sakin!!"
Kinaladkad ako ng lola ni Jiro papunta sa principal's office and nandun si Jiro nakaupo sa may sofa
"guess who's with me?" sabi ng lola ni Jiro
"huh?" sabi naman ni Jiro ng may pagtatakang expression
"Ang girlfriend mo!!" sagot ng lola niya sa kanya
"ah teka po ahm, hindi po ako—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinila ulit ako ng lola ni Jiro papupo katabi ni Jiro
"I'm giving the two of you a task" sabi ng lola ni Jiro saamin
"ano po yun?" tanong ko naman
"kayo ang mag organize ng school fair for next month! Simulan niyo na ngayon. Excuse na kayo sa class niyo. So maiwan ko na kayo. Goodbye!"
"t-teka po— "again hindi na naman ako pinatapos magsalita ng lola ni Jiro
"the two of you really look good together!" sabay labas ng pinto
"geez" tumayo si Jiro papunta sa harap ng computer "si ate talaga kung ano ano kinukwento kay lola"
"Jiro bat akala ng lola mo girl friend mo ko?"
"wag mo nang tanungin."
"bakit nga?"
"no idea. Hay si lola talaga, hindi man lang naisip na ang type kong babae yung mga mukhang superstar" sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa at balik ang tingin sa computer screen.
Nanlalait ba to?!
"as if naman gusto kong mapagkamalan na girl friend mo" sabi ko sa kanya sabay irap
"bakit hindi ba?" tanong niya saakin ng may nakakalokong ngiti
Grrr ang yabang!
Sabi na bipolar ang taong to. mabait na nagiging masungit. gentleman na nagiging mahangin!!!!!!!!