Chapter 58: THE ACCIDENT

95 0 0
                                    

 ARCIE'S POV

As expected, back to normal kami ni Jiro the next day after ng star city. Wala ng kulitan, walang tawanan, walang harutan. Para kaming stranger sa isa't isa. Baking class went well. Divided na divided ang trabaho namin. Parang hindi din kami magkagrupo. Nakita ko sa ibang group na nagtutulungan sila sa lahat ng work. Habang gumagawa ang isa, nag oobserve naman ang isa. Yung iba sabay pa nila ginagawa, pero kami, hindi.

Nakakainggit nga yung ibang groups eh, well except sa group ni Labanos at Amber na hindi na nakatapos ng pagbabake dahil may lumipad na wire whisk galing sa table nila at tinamaan yung teacher namin sa noo. Kung sino nagpalipad? We don't have any freaking idea. Basta ang alam namin, pareho silang napalayas sa kitchen.

As usual, pinaka mataas na grade si Mich and her partner. Butterfinger cookie ang ginawa nila. Yung saamin naman ni Jiro, well it taste ok to me.

Today is our sportsfest day. May mga school na nandito saamin para lumaban. And I was assigned to make the documentary kaya whether I like it or not, kailangan kong panuorin yung mga laban.

Katatapos lang ng laban ng volleyball team namin and good thing they won.

Agad namin sinalubong sina Mich "Mich! congrats!"

"nice game!" sabi ni labanos sa kanya

"thanks!"

Lumapit si Justin sa kanya then inabutan siya ng drink and towel

"that's my girl! Pawis na pawis na pero mabango at maganda parin"

"alam mo, ibang klase ka din mambola eh"

"no, I'm dead serious sa sinabi ko"

"haha! Tama naman si Justin eh!" pag sangayon ni Yanna

Bumulong sa kanya si Lance "that's my apprentice!"

"so, nagpapaturo ka na pala kay Lance ng pambobola ha?" sabi ni Mich habang nakatingin kay Justin ng nakakaloko

Justin threw Lance a warning look.

Natawa nalang bigla si Yanna "haha hay naku Lance you cannot keep your mouth shut. Tayo na sa gym B at magsstart narin ang laban nila Jiro"

Umalis na kami at lumipat ng Gym. Sila Mich naman susunod na lang daw dahil kailangan pa niya magpalit ng damit.

"calling Ms. Arcie Morales, please proceed to the principal's office"

Napatigil naman ako doon sa announcer. Ako?

"Binbo samahan na kita"

"Wag na, bantayan mo na lang ang seat ko. Babalik ako agad."

Tumayo ako sa kinauupuan ko then pumunta sa principal's office.

Pagdating ko dun, si Ma'am Jennica lang ang nandun

"hi Arcie!!" salubong niya agad saakin

"g-good morning po ma'am. Bat po niyo ako pinatawag?"

"ay, gusto ko sana ibigay mo to kay Jiro" may inabot siya saaking kung anong tela, damit ata "naiwan niya kasi eh"

Tinignan ko yung inabot niya sakin and halos mabitawan ko nung malaman ko kung ano yun.

Boxer. O_____O

Na may naka print na Patrick Star. =______=

Huminga ako ng malalim para hindi ako matawa.

"err is there a problem?" tanong saakin ni Ms. Jennica

"ah... eehh kay Jiro po ba to?"

"yep. That's his. And favorite boxer niya."

My PrinceWhere stories live. Discover now