Chapter 57: STOLEN MOMENTS

101 0 0
                                    

ARCIE'S POV

Butter, butter, butter. Ang daming butter naman dito, ano kukunin ko?

Tinignan ko yung mga price. Hmm parang butter lang nasa 100 na agad? Ang mahal naman!

Kinuha ko yung dairy crème na butter. Mas mura pa.

"Jiro, eto na yung butter"

Hindi ako pinansin ni Jiro dahil busying busy siya sa pag tingin ng mga ingredients.

May kinuha siyang maliit na bote dun na may nakalagay na vanilla extract. Tapos kumuha din siya ng almond extract

"ah, Jiro, walang nakalagay dito sa recipe na kailangan natin ng almond extract"

"hindi naman yan ang recipe na sinusunod ko eh. Recipe ni Mich to. Kung may doubt ka sa recipe ni Mich then I think mas better kung mag individual na luto na lang tayong dalawa"

Ang taray ng lolo mo!

Hindi ko na siya inimikan. Aba eh talo pa ang mag me-menopause na babae kung makapag sungit eh!

Kung sabagay, hindi ko rin naman siya masisisi kasi ako ang nag request sa kanya na bumalik siya sa dating pakikitungo niya sakin.

And infairness ginagawa nga niya. Mula pa kanina nung sunduin niya ko saamin, grabe na makapag taray. Isang word lang ang sabihin mo napipikon na siya. Parang mas lumala pa nga pagsusungit niya sakin eh!

Kinuha niya yung isang bar ng butter na nilagay ko sa basket.

"what's this?" tanong niya saakin habang hawak hawak yung butter

"butter?"

"hindi to butter, margarine to!"

"huh?" kinuha ko sa kanya "nakalagay sa label butter eh"

"that kind of butter is not applicable for baking. Pang palaman lang yan sa tinapay. Palitan mo. Kunin mo yung anchor ang brand. Yung unsalted ah"

"pero ang mahal nun eh"

"may pera ako" tinalikuran niya ako at nag tingin nanaman ng mga ingredients

Tumalikod ako para palitan yung butter. Sige na! siya na ang mayaman! Ako na ang binbo! Hmp! =______=

Binalikan ko siya dala dala ang butter niyang anchor ang label at unsalted. Balak ko sanang ibato sa cart namin yung butter kaso napigilan naman ako.

"wag mo nang subukan ibato yan kung ayaw mong madurog yan"

Nilapag ko sa cart yung butter ng mahinahon at dahan-dahan.

I get a glimpsed of Jiro and he looks like he's grinning.

Pinagttripan ba ko ng isang to?! Grrrr

Bago pa maginit ang ulo ko, tinignan ko na lang kung anong kulang sa ingredients.

Wala pang flour

*say you love me, say you love me and put it in a love song (put it in a love song) *

Nagulat ako bigla ng tumunog yung cp ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Calling.

Labanos...'

Hmm ano naman kaya ang kailangan ng lalaking ito?

"hello labanos?"

"Binbo my loves!!! Nasaan ka ngayon?"

"nag mamarket kami ni Jiro eh."

"oh, kanina pa kayo?"

My PrinceWhere stories live. Discover now