ARCIE'S POV
One hundred ninety-seven, one hundred ninety-eight, one hundred ninety-nine... One hundred ninety-nine
Kinuha ko yung ruler na hawak ko. Sinugkit ko yung alkansay ko baka may natitira pang pera sa loob. May nalaglag naman na 25 cents.
Inalog alog ko yung alkansya. Hay wala ng laman.
One hundred ninety-nine pesos and twenty-five centavos.
Tell me, ang isang lalaking born with a golden spoon on his mouth, napaka spoiled at mukhang kayang bilhin ang lahat, paano mo bibigyan ng regalong worth 199.25 pesos?!
Saan ako pupulot ng kakaibang regalo na worth ganyan ang presyo?!
Hay naman!! Wala akong maisip!
Eh kung underwear na lang? for sure wala naman makakaisip na magbigay ng regalong ganun?
And tingin ko hindi ko rin naman kayang mag regalo ng ganun. Dyahe!!
Eh kung wag ko na lang regaluhan?!
Tama! Hindi naman mahalaga yun eh! Ang mahalaga mabati ko siya ng happy birthday ng bukal sa aking puso.
Pero nakakahiya, hindi ko na nga naalala na birthday niya tapos wala pa kong regalo?!
Tinignan ko yung 199.25 pesos na barya na nagkalat sa kama ko.
Arcie, binbo ka talaga kahit kelan! >__<
Dapat unique ang regalo ko sa kanya! Unique pero dapat 199.25 lang. Paano naman kaya yun?
Pwede bang puso ko na lang ang ibigay ko sa kanya?
Keso ka talaga Arcie. Nagagaya ka na kay Lance!
Ano ba dapat ibigay ko dun sa taong yun!!
Inikot ko ang tingin ko sa kwarto ko, and biglang napako ang tingin ko dun sa frame na nakasabit sa wall ko.
Wait a minute, oo nga! Bat hindi ko naisip agad yun?!
Agad kong kinuha yung 199.25Php sa kama ko.
***
Ok, color brown muna for the cone. One, two, three. Mali mali, sumobra.
WAAAAAAAAAAH! Nakakaloka pala itech!
Nandito ako ngayon sa park malapit sa bahay namin, nagtatahi ng cross-stitch. Ayun yung naisip kong ibigay kay Jiro, isang cross-stitch ng ice cream. Nakita ko kasi yung cross-stitch na nakasabit sa room ko. Si mama ang tumahi nun. Pero di ko akalain na nakakaduling pala to.
Hay, nagastos ko na pera ko dito, might as well tapusin ko na to. Dapat matapos ko to bago siya mag birthday kundi yari ako.
Nagulat ako biglang may nag-abot ng hamburger sa harap ko.
"hello "
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si...
"Jacob!!!!! "
"Hi Arcie kumain ka muna"
Kinuha ko yung hamburger sa kanya, aba gutom na ko eh "thanks. te-teka, kamusta ka na? ang tagal mo bago nagpakita ulit ah"
"nandyan lang ako sa tabi tabi, baka hindi mo lang ako napapansin " sagot niya saakin
"hindi mo naman ata ako nilalapitan eh. Na miss kaya kita"
"ano nga pala yang ginagawa mo?"
Pinakita ko kay Jacob yung tinatahi ko. "Ok ba?"
"ano yan? Telang namantsahan? " panlalait niya sa gawa ko habang tumatawa