ARCIE'S POV
"Arcie!! Gumising ka!!"
"emhdsufaf" nagtaklob ako ng unan
"mama ano daw sabi ni ate?"
"Arcie!" niyugyog ako ni mama "gumising ka sabi"
"ma heytuklakpapshokko"
"ha?"
"sabi ko eight o'clock pa pasok ko!!"
Tinakpan ko ng unan yung tenga ko.
Naku naman si mama! Ang sarap sarap ng tulog ko eh!! Aga-aga akong ginigising
"yung manliligaw mo nasa baba na bumangon ka kung ayaw mong paakyatin ko siya dito!!"
"HA?!"
Napadilat ako bigla at napaupo sa sinabi ni mama. Nawala ang kaantukan ko.
Nakita ko ang kapatid ko na may hawak na bouquet ng roses. Si mama naman nakataas ang kilay saakin
"ikaw bata ka, may manliligaw ka na pala hindi mo sinasabi saakin." Umupo siya sa tabi ko "but infairness, gwapo siya ha, magalang at mayaman. Bagay kayo anak"
"ma!!"
"haha biro lang. pero gusto ko siya. Nagpunta siya mismo dito para magpakilala saakin. Magalang na bata at mukhang maganda naman ang intension niya sayo"
"ate maligo ka na! tignan mo nga yang mukha mo oh, ang gulo ng buhok, may panis na laway at puro muta ang mata. Pag nakita ka ni Kuya Jiro na ganyan ang itsura mo panigurado di ka na liligawan nun"
Aba itong batang to!!
Dinilaan ko ang kapatid ko at pumasok na ko sa banyo para maligo.
Sinusundo na ko ng love ko! Wahahaha.
Pagkababa ko, nakita ko si Jiro at ang aking ina na masayang nag-uusap.
Aba at close na agad sila?
Nung napansin ako ni Jiro, tumayo siya
"are you ready to go Arcie"
"ah, yeah"
"ingat kayong dalawa ha?"
"opo ma"
"sige po tita"
Nagulat ako dahil pag labas namin sa house, wala ang kotse ni Jiro
"hmm Jiro, nasan yung kotse mo?"
"nasa bahay"
"bahay?" napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa "paano ka nakapunta dito?"
"by the use of" tinuro niya yung kalsada na mausok at puno ng iba't-ibang sasakyan "jeep"
"jeep?"
Tinignan ko ulit siya mula ulo hanggang paa
Ang linis-linis niya, hindi siya amoy pawis, hindi siya amoy usok. Ang bango-bango niya!
Nag-jeep siya sa lagay na yan?!
Ow gulay!
Baka naman pati mismong mga alikabok iniiwasan siya?!
"so let's go?" pagyayaya niya saakin
"err mag ttricycle tayo?"
Ang thought na sasakay sa tricycle si Jiro ay nakakatawa! Baka naman susunduin kami ng car nila?
"bakit pa eh pwede naman tayo maglakad?"
Nanlaki naman ang mata ka sa sinabi niya
"lakad? Wahahahahahahahahahahahahahahahahaha" tinapik ko ang likod ni Jiro "nagbago ka na nga talaga Jiro, ang galing mo ng mag joke! So nasan na ang car mo at ng makaalis na tayo"