ARCIE'S POV
"this is for you Arcie. Keep yourself pretty. Use it well. This is our welcoming gift for you." -Michelle and Justin
"Arcie!! Kala mo nakalimutan ko na ang iyong welcoming gift! Aba'y hindi no. (sa araw araw ko ba naman kasama si Yanna at walang ibang ginawa kundi ipaalala sakin yun) anyways, para sayo yan, sure na sure akong bagay sayo yan. Syempre ako pumili eh. Take good care of it ok?" -Lance
Tinignan ko yung make-up na bigay sakin ni Mich and Justin pati yung high-heeled shoes na bigay sakin ni Lance.
Anak ng tokwang S6 to! Kala ko pa naman tuluyan na nilang nakalimutan yung pinirmahan kong contract, hindi pa pala! >__<
Si Ren na lang at si Jiro ang hindi nagbibigay. Sana naman wag na nilang maalala.
Pero kung sabagay, si Labanos kuripot naman yun eh. Mismong fishball at kwek kwek nagpapalibre pa yun. Impossibleng bigyan ako nun ng regalo. At si Jiro naman, mukhang hindi naman ako importante dun eh.
Speaking of Jiro, birthday na nga pala niya ngayon and sakto din tong bigay nila Mich sakin.
Siguro naman dahil dito hindi na ko mapagtitripan. Balita ko kasi lahat ng batchmates ni Jiro invited sa party niya.
Maya-maya lang naligo na ko at nag bihis. With the help of my mom, naayos ko ang buhok at mukha ko.
Kinuha ko yung gown na bigay sakin ni Yanna. Ngayon gets ko na yung sinasabi niyang occasion na pag-gagamitan ko ng gown na to.
Ngayon hinihintay ko na lang na dumating ang aking magiting na sundo na si labanos. Kahit kelan talaga napaka late nung lalaking yun. Busy siguro magpagwapo.
Tinignan ko yung invitation ni Jiro.
Hay, pupunta ba talaga ko eh this past few days mukhang mainit ang dugo ng taong yun sakin eh. Sa lahat naman kasi ng taong nakilala ko siya ang pinaka bipolar! Minsan mabait, kadalasan masungit! Unpredictable ng mood!
Narinig ko naman na may humintong kotse sa tapat ng bahay namin. Sumilip ako sa bintana and nakita ko ang magiting kong sundo na si labanos.
Pinapasok siya ni mama sa loob ng bahay namin. Sinalubong ko naman siya agad.
"labanos!!!"
"b-binbo?! Ikaw ba yan?!"
Umikot ako sa harap niya.
"Ayos ba?"
"mukhang hindi muna kita dapat tawaging binbo ngayon ah"
"Eh ano itatawag mo sakin?"
"oujo-sama (princess)"
Binatukan ko naman siya "parang nung ikaw ang nagsabi kinilabutan ako ah"
"ang sama mo naman!" he held my hand "let's go my princess!"
"ingat kayo ha" sabi ni mama saamin
"opo ma"
"ihahatid ko narin po siya pauwi"
"ah wait lang!" kinuha ko yung paperbag sa may sofa namin. Ang gift ko kay Jiro "let's go"
Umalis na kami ni Ren.
Nung makadating naman kami sa reception, which is ang house ni Jiro, namangha naman ako sa sobrang laki. Nagkakakitaan pa kaya mga tao dito? Siguro pag ganito ang bahay namin lagi akong maliligaw.
Sinalubong naman kami agad nila Yanna.
"ARCIE!! Oh my gosh sabi na eh maganda ang damit na yan sayo!!"